Arjo Atayde admits fizzled romance with Jane Oineza: "Di naging kami."

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde on aborted relationship with Jane Oineza: "We're friends. I'll just keep it at that—we're friends. Mahirap i-explain, but I think it's because of the busy schedule."

 


Sa isang interview ni Sylvia Sanchez, inamin ng aktres na noong bata pa ang anak niyang si Arjo Atayde ay natakot siya na baka bakla ang anak dahil nakita niyang naglalaro ito ng mga manika.

Pagkaklaro naman ng aktres, hindi siya against sa mga bakla dahil marami siyang mga kabigang kabilang sa LGBT community.

Pero ganunpaman, laking pasasalamat daw niya na lumaking lalaking-lalaki si Arjo.

NOT CONCERNED WITH GENDER ISSUE. Sa pakikiupag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at Cinema News kay Arjo sa nakaraang Ang Probinsyano “Isang Pamilya Tayo” anniversary concert noong October 8 sa Smart Araneta Coliseum, nagbigay pahayag ang aktor tungkol sa naikuwento ng ina.

Kuwento ni Arjo, “Mga Barbie [dolls].

“I have two sisters. Growing up with two sisters, mas dominant ang babae.

“I was playing lang with the dolls, but it doesn’t necessarily mean... It's just that I didn't have a choice.

“I’m open to it, I don’t think it was a bad thing, 'coz I have sisters.

“What can I do, e mga kasama ko mga babae? My Mom, my two sisters, my lola.”

Agad naming tinanong si Arjo kung hindi ba siya nag-aalala na dahil sa sinabi ng ina ay baka pagdudahan ang gender niya ng ibang tao?

“I have no problem with people asking or wondering about those things, kasi kung alam mo naman sa sarili mo ang totoo, walang problema yun,” lahad niya.

ABORTED RELATIONSHIP. Na-link dati si Arjo kay Jane Onienza, at marami ang nagtaka nang biglang-bigla na lang naputol ang namumuong closeness sa kanila noong mga panahong iyon.

Ayon sa aktor, ang kawalan ng oras ang isa sa nakikita niyang rason kung bakit naudlot ang special relationship sa pagitan sana nilang dalawa.

Tugon niya, “We’re friends. I'll just keep it at that—we’re friends.

“Mahirap i-explain, but I think it’s because of the busy schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, for now, as I’ve said, focus ako sa karera, sa Probinsyano.

“We tape almost everyday. I really focus on my career.

“At the same time, sa mga ganitong oras, I want to see my family.

“Dun naman ako nagpu-focus—with my friends, with my family.

“Di naging kami.”

DRUG ISSUE. Isa sa malaki at mabigat na isyu ngayon ay ang balita na may pinanghahawakang listahan ng mga artistang sangkot sa droga ang PNP at anumang oras daw ay maaaring pangalanan ang 20-30 artista na kasama daw sa listahan.

Hiningan namin ng reaksyon si Arjo kung willing ba siyang magpa-drug test at ano ang stand niya sa balitang papangalanan ang mga kapwa artista niyang nasa drug list ng gobyerno?

Saad niya, “Oh yeah, yes, I’m very open.

“Anytime! I'm not scared at all.

“If you want now, now let’s do it.

“Ako, anytime, just to help the campaign, at the same time we are promoting a show which is anti-drugs.

“That’s got nothing to do with me for now, pero kung babanggitin ang mga pangalan ng mga artista, as a co-artist, as part of the industry, of course, mas gusto ko na hindi malabas ang mga pangalan.

“But what else can I do for now? Government ang may hawak. Sino ba naman ako ako kumpara sa kanila?

THANKFUL TO CO-ACTORS. Marami ang nakakapansin sa husay na pinapakita ni Arjo sa seryeng Ang Probinsyano kunsaan hindi nga raw siya nagpapalamon sa mga eksena kasama ang mga dekalibreng aktor gaya nila Eddie Garcia, at Coco Martin.

Para kay Arjo ang lahat ng ito ay dahil sa tulong ng mga kapwa aktor at kasama sa serye.

“Ay, salamat.

“As I've said, every time we do acting and everything, lahat ng co-stars ko they teach me, they help me out with my emotions as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nagbibigay ako ng emosyon, I easily adapt. so para natutulungan din ako in the same way.

“In short, di lang yun sa akin kundi sa tulong ng direktor, ng mga kapwa aktor.

“Kung sa akin lang, di ko magagawa yun,” pag-amin niya.

THUMBS UP FROM MOM. Sa isang interview din sa inang si Sylvia Sanchez ay nabanggit din nito na sa kanilang dalawa ng anak ay mas magaling umarte sa kanya si Arjo.

Ito ay labis namang pinagpapasalamat ng aktor.

“Sabi niya yun, it’s a mother thing.

“At the same time, di naman natin made-deny that she’s one of the best actresses now in the Philippines.

“For me, it’s an honor coming from my mom, and she wouldn’t be biased at all.

“It’s a blessing and I’m very thankful for whatever she said.

“For me, every time people say that, I have to prove myself more,” pahayag niya.

THANKFUL TO FANS. Nagpasalamat din si Arjo sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at di bumibitiw sa panonood at pagtangkilik ng Ang Probinsyano.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa Ang Probinsyano mula umpisa hanggang ngayon.

“We are trying our best naman na mabigyan sila ng isang magandang show, at the same time sa mga kabataan natin ngayon ay mabigyan sila ng mga aral.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN