James Yap keeps mum on Kris Aquino's latest tirades: "Nagsalita na ako noon, tama na yun."

IMAGE Gorgy Rula

James Yap prefers not to comment on Kris Aquino's latest tirades: "Nagsalita na ako noon, tama na yun. Siguro yun lang, e. Ayoko nang lumaki pa, e. Kasi ang gusto ko naman, maging close sana silang magkakapatid, at maging okay na ang lahat."


Panandaliang nakausap ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) si James Yap sa birthday party ng kaibigan niyang basketbolista na si Ronnie Tubid ng San Miguel sa tahanan nito sa Valle Verde 5.

Kasama ni James na dumalo sa naturang pagsasalo ang kasintahan niyang si Michela Cazzola na tuwang-tuwang ipinakita ang litrato ng anak nilang si Baby MJ.

Inunahan na kami ni James na huwag na raw siyang hingan ng reaksyon tungkol sa mga huling pahayag ni Kris Aquino sa nakaraang presscon nito.

Read: Kris Aquino finally speaks up about James Yap's baby with Michela Cazzola

Hindi na raw niya inalam kung ano pa ang mga sinabi nito.

Ayaw na raw niyang palakihin pa ang isyu sa anak nilang si Bimby dahil alam naman daw ni Kris kung ano ang totoong nangyari.

“Sinabi ko naman noon na hintayin ko na lang magkaisip si Bimby,” pakli ng kilalang basketbolista.

“Nagsalita na ako noon, tama na yun.

“Siguro yun lang, e. Ipag-pray ko na lang na dumating nga yung time na maintindihan ni Bimby lahat.

“Ayoko nang lumaki pa, e. Kasi ang gusto ko naman, maging close sana silang magkakapatid, at maging okay na ang lahat.

“Sana dumating lang yung time na magkaroon na ng isip si Bimby at maintindihan niya lahat.”

MISSING BIMBY. Sinundan namin ng tanong kung meron ba siyang ginagawang paraan para magkausap sila ni Bimby, mabilis ang sagot niya na “Oo naman.”

Alam naman daw ni Kris ang buong pangyayari kaya lang ayaw na raw niyang idetalye pa kung ano talaga ang nangyari.

“Nami-miss kung nami-miss ang anak ko siyempre.

“Pero wala na akong magagawa, e.

“Basta ayoko na lang magsalita pa, para hindi na lumaki ‘to.

“Hayaan na lang natin na maintindihan ito ni Bimby lahat pagdating ng araw,” saad nito.

Natutuwa na lang si James na ikuwento na ang laki na raw ang baby nila ni Michela na mahigit dalawang buwan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinost ni Michela sa kanyang Instagram account nung nakaraang linggo na ipinagdiwang nila ni James ang second month ng kanilang baby. Bitbit niya si Baby MJ sa litrato, pero nakatalikod ito.

KEEPING BABY'S PRIVACY. Napagkasunduan na raw nila ni James na hindi na muna nila ipapakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak.

Desisyon daw niya iyun dahil mas gusto raw niyang huwag nang pagpiyestahan sa social media ang kanilang anak.

“Ayoko. No. I’m very jealous, e. He’s for me only,” napapangiting pahayag ni Michela.

Okay lang daw na ipakita sa mga kaibigan ang litrato ng baby niya o kahit kunan ng pictures, basta huwag lang daw i-post sa social media.

“I just want to keep his privacy.

“You know what happened to Nadine Samonte? I don’t want that to happen to my baby,” patuloy niya.

Natakot daw siya nang nabalitaan niyang merong isang netizen na ginrab daw ang litrato ng baby ni Nadine at ipinost sa account nito at sinabing baby raw niya iyun.

Ayaw daw niyang paglaruan nang ganun ang kanyang anak.

GROWING UP FAST. Tuwang-tuwa si Michela kapag sinasabi ng lahat na napaka-cute ng baby nila at kuhang-kuha ang mukha niya. Pero kay James naman daw ang mata.

Ang bilis daw lumaki ng baby niya dahil breastfed daw ito. “I eat a lot, like malunggay—the soup, tea—because it’s for my baby,” sabi pa ni Michela.

Hindi pa raw niya masabi kung kailan niya ipapakita sa lahat ang baby niya,

Sabi raw ni James, baka okay na pagtuntong ng six months.

“But, I will think pa,” mabilis niyang sagot sa amin.

Muling sinabi ni James sa amin na kapag ready na raw si Bimby na makita ang kanyang baby brother, welcome daw ito anytime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN