Richard Gomez says police officers twisting stories on illegal drugs "should be killed"

IMAGE Instagram (@richardgomezinstagram)

Richard Gomez says policemen making up stories to implicate innocent people on illegal drugs "should be killed!"


Nag-post ng status ang aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa kanyang Facebook account kaugnay ng kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Mainit na usapin ngayon sa loob at labas ng bansa ang kampanya laban sa droga ng pamahalaang Duterte, partikular ang diumano’y paglabag sa karapatang pantao dahil sa sinasabing extrajudicial killings sa mga pinaghihinalaang pushers at users.

Sa Facebook status ni Richard nitong Linggo, October 16, nagtanong ang actor-politician kung ano ang gagawin natin kung ang mismong mga pulis na dapat ay nanghuhuli ng mga salarin pagdating sa illegal drugs ang gumagawa ng istorya at idinadamay ang mga taong hindi talaga sangkot.

Mungkahi ng aktor, dapat ding patayin ang mga ganitong uri ng pulis.

Ani Richard, “In our fight against illegal drugs, what do we do when the police themselves are the ones making up stories and implicating the people not involved in the trade to muddle the whole situation?

“These police crooks should be killed!

“They should be killed!”

Dagdag pa niya, dapat itong simulan sa mga kalapit na bayan at nanawagan pa kay Pangulong Duterte na pamunuan ang mungkahi niyang ito.

“Let’s begin from our neighboring town!

“Please take the lead Mr. President!!!”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makipag-ugnayan sa alkalde ng Ormoc City sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanya ngayong umaga ng Lunes, October 17, ngunit wala pa siyang sagot habang isinusulat ang balitang ito.

Mananatiling bukas ang PEP sa nais ipahayag ni Richard Gomez kaugnay ng usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN