Elisse Joson reveals how she deals with haters and bashers online

IMAGE Noel Orsal

She was once linked to James Reid, but that is all behind for Elisse Joson. This former PBB housemate talks about what helped her overcome the bashings and hate comments online.


Unti-unti nang nakikilala sa showbiz ang baguhang si Elisse Joson, na naging housemate sa Pinoy Big Brother Lucky 7.

Pero bago pa man siya pumasok sa Bahay Ni Kuya, napapanood na si Elisse sa TV commercials, kagaya ng isang brand ng fastfood chain, na nakatulong para lalo siyang makilala ng publiko.

Ilang taon na ring nasa showbiz si Elisse, pero puro bit roles ang kanyang ginampanan.

Minsan na rin siyang nasangkot sa intriga nang ma-link siya sa popular young actor na si James Reid, dahilan upang i-bash siya ng ilang netizens.

Read: PBB housemate Elisse Joson speaks up about alleged past romance with James Reid

Paano niya nalampasan ang pamba-bash sa kanya?

Saad ni Elisse, “Before joining PBB po kasi, meron na po kasing isang issue na really hit me, na first time ko pong makaranas ng ganun.

“Siguro ang inisip ko po that time, this is God’s way of preparing me for something better.

“Siguro kaya ko natanggap ang hates dati, mga bash, kasi nga po to prepare me [for] something better, which is where I’m at right now.”

Patuloy niya, “Kasi po kinilala ko na po ang sarili ko lalo.

“So, knowing na alam ko kung ano ang pagkatao ko, yun lang po ang pinakamahalaga po.

“So, whatever they say, parang, ‘Ay, alam ko na iyan.’ And accepting po my flaws.

“Kasi if I already accept it, kahit ano pa po ang sabihin nila, parang, 'Ay, alam ko naman na iyan.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang newbie Kapamilya actress nang i-launch siya bilang bagong ambassador ng Torque Mobile at Ego Series, noong Huwebes, October 13.

KEEPING IT REAL WITH MCCOY. Nali-link ngayon si Elisse kay McCoy de Leon, na kapwa niya housemate sa PBB house.

Nabuo ang love team at pagtitinginan ng dalawa habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Elisse, napag-usapan nila ni McCoy na ipakita sa tao ang totoong namamagitan sa kanila.

“Kami po [ni McCoy], as much as possible, napag-usapan po namin ayaw po namin na trabaho lang din.

“Gusto po namin, kung ano po yung totoong relationship namin behind na camera, gusto po namin yun ang papakita namin sa tao.”

Sa posibilidad na mauwi sa totohanan ang kanilang tandem, sagot ng dalaga, “Kung mapupunta po tayo dun, tingnan po natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN