Inah de Belen reluctant to work with mom Janice de Belen for now

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen accepts there will always be pressure in her showbiz career but she has a way of dealing with it. "Yung pressure na yun ginagawa kong motivation na lang. To work harder and to improve sa trabahong ito," she says.


Alanganin pa si Inah de Belen na magkasama sila ng ina niyang si Janice de Belen sa isang project.

Paliwanag ng new Kapuso actress, “Sa ngayon, parang hindi ko pa kaya.

“Kasi siyempre Janice de Belen yun, tapos drama pa, ay dyusko!

“Hindi ko pa kaya… gusto ko, pero siguro in three years, carry ko na!”

Kahit daw ang ama niyang si John Estrada ay gustong makatrabaho ni Inah.

“Yeah, I’d like to work with my mom and my dad.

“Siguro in two years or three years.”

May tsansa kayang magsama-sama silang tatlo sa isang TV or movie project?

Sagot ni Inah, “Ay, naku, hindi ko alam. If that happens, then go.

“Pero hindi ko alam kung paano nila gagawin yun.”

Sino kaya ang hindi papayag?

“Hindi ko alam, e.

“Ako, okey lang sa akin, pero yun nga, two years siguro or in three years.”

Sa kuwento ni Inah, may isang project sana sila ni Janice kung saan siya ang gaganap na young version ng kanyang ina.

Aniya, “Hindi kami mag-i-interact, parang may transition na ako yung young.”

Hindi raw natuloy iyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa taping ng Kapuso afternoon series na na Oh, My Mama! sa Marikina City last week.

BEHAVED. Ano ang best advice ng mommy niya tungkol sa kanyang showbiz career?

Ayon kay Inah, “A lot of people ask me kung nagbibigay siya ng acting tips.

“Sabi ko naman is you really don’t teach acting kasi, e.

“If you have it, you have it, and I hope I do.

“So, ang lagi na lang sinasabi sa akin ng mom ko is, 'Whatever happens… kahit anong gawin mo, may mga bashers ka.'

“Kasi, siyempre, there will be people who will not like you. There will be people who will like you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Mag-concentrate ka lang, focus. Just be humble, and makisama ka… just believe in your self.’”

Ganun din daw ang payo sa kanya ng ama niyang si John.

“Ganun din lang naman, tsaka ano, ‘Behave!’ Mga ganyan,” at tumawa si Inah.

“So iyon lang naman.”

Hindi ba siya behaved?

“Grabe, behaved na behaved nga ako, 'no!” Dyusko.”

LUMINARY ARTIST. Samantala, si Marian Rivera ang dating lead female star ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo bago ito lumipat sa pangangalaga ng Triple A ni Mr. Tony Tuviera.

Ngayong nasa stable of talents na ng Luminary si Inah, tila napasa na sa kanya ang leading-lady status ng agency.

May pressure ba iyon sa kanya?

Sagot niya, “Lahat naman, may pressure talaga, may pressure.

“Pero yung pressure na yun, ginagawa kong motivation na lang.

“To work harder and to improve sa trabahong ito.”

Parehong managed sina Inah at Janice ng Luminary.

Advantage daw iyon, ayon kay Inah.

“Sobra! Like, pag may emergency or may extra-curricular activities, lalo na sa Artist Center.

“Kasi si Mama tsaka si Tito Popoy nag-uusap lagi.

“So, updated na yung nanay ko, alam na niya kung anong mangyayari.

“Co-managed ako ni Tito Popoy, kausap din yung Artist Center para direct na lahat.

“Tsaka si Tito Popoy tsaka si Mama, close talaga sila, so everything is coordinated.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN