Kiko Estrada traumatized by past relationships: "Ganun talaga pag mahal mo yung isang tao tapos nawala."

IMAGE Noel Orsal

Sa ngayon daw ay hindi muna iniisip ni Kiko Estrada ang pagkakaroon ng bagong girlfriend matapos ang hiwalayan nila ni Barbie Forteza nitong Agosto. Aniya, "Ang focus ko kasi ngayon, pagbutihan ang trabaho ko para manalo ng award at para mas maging magaling na artista."


Hindi muna raw iniisip ngayon ng Kapuso actor na si Kiko Estrada ang pagkakaroon ng panibagong love life matapos ang hiwalayan nila ni Barbie Forteza.

Matatandaang nitong nakaraang August lamang ay nabunyag ang hiwalayan nina Kiko at Barbie, kahit hindi nila inamin sa publiko ang kanilang relasyon.

Read: Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!

Kaya ngayon, hinay-hinay raw muna si Kiko sa usapin ng kanyang puso.

Saad ng 21-year-old actor, “Wala, pero okey lang naman, pahihga muna, pagod pa.

“Tsaka, takot muna magmahal.”

Bakit niya sinasabing takot na siyang magmahal?

Tugon ni Kiko, “Ganun talaga pag mahal mo yung isang tao, tapos nawala, mapapagod ka rin at matu-trauma sa nangyari.”

Paano niya nasabing na-trauma siya sa mga dati na niyang nakarelasyon? Bago kay Barbie, na-link muna si Kiko kay Kim Rodriguez.

Paliwanag niya, “I mean, yung mga bagay na nangyar, parang ayaw mo nang ulitin yung ganun, kaya takot ka na magmahal ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa cast party ng indie film na Promdi.

"WE’RE ALL FRIENDS." Kahit nagtapos na ang relasyon niya kina Kim at Barbie, handa naman daw si Kiko na makatrabaho ang mga ito.

“Oo naman, why not? Dalawa silang maganda at magaling na artista at siyempre minahal ko yung mga yun.”

Hindi kaya mailang sina Kim at Barbie sa kanya?

Tugon ni Kiko, “Hindi naman siguro kasi humble naman silang dalawa at mabait, so I don't think na magkakailangan kami.

“Tsaka pareho namang maganda at maayos yung paghihiwalay namin, kaya okey kami ngayon.

“We're all friends and minsan nakakausap ko pa rin naman sila, nagkakamustahan.”

Kung sakali naman daw na isa pa rin kina Barbie at Kim ang nakatakda para sa kanya at kanyang makakabalikan ay wala raw itong problema sa kanya.

Saad ng binata, “Of course, pero time will tell pag nandun na tayo. Tama yung moment, tama lahat yung situation.

“Tsaka sino ba ako para humindi sa totoong pag-ibig? Lahat naman tayo nangangarap ng true love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And pareho ko silang minahal.”

Sa ngayon, aminado si Kiko na nami-miss niya ang pinagsamahan nila ni Kim at ang pag-aalaga sa kanya ni Barbie.

Mensahe pa niya kay Kim, “Mag-ingat ka, lagi nandito lang ako for you.

“I always want you to see in your best form, you're my angel.”

Samantala, para naman kay Barbie: “Stay yourself, stay young, stay good, stay pretty, stay cute, stay makulit, stay like that, stay loving.

"You deserve someone who will love you more.”

Kung sakali mang may matagpuang babae si Kiko na pakiramdam niya ay magiging kasunod niyang girlfriend, dapat daw ay magugustuhan ito ng kanyang ina na si Cheska Diaz.

Sabi pa ng binata, “Para sa akin kasi walang tamang sagot diyan, e.

“Ako kasi, wala akong sini-set na criteria sa mamahaling babae.

“Basta bigla na lang darating at sasabihin ko sa sarili ko na, ‘Ito na, siya na.’

“Kapag naramdaman ko sa puso ko na ito na siya at may spark, yun na yun.

“Pero siguro dapat gusto siya ng nanay ko. Pag nagustuhan siya ng nanay ko, yun na yun.”

MORE PROJECTS. Bukod sa Sinungaling Mong Puso ng GMA Network, may dalawang pelikula ring pagbibidahan si Kiko.

Una na rito ang indie movie na Promdi at isang horror film sa Regal Entertainment.

Dito raw muna siya magpo-focus ngayon dahil, ayon kay Kiko, “Gusto ko magtrabo nang magtrabaho lang at gusto ko na mas mapaganda ang career ko.

“Ang focus ko kasi ngayon pagbutihan ang trabaho ko para manalo ng award at para mas maging magaling na artista.”

May bago rin daw siyang gagawing proyekto sa GMA-7 pero wala pang detalye tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN