Dennis Trillo on girlfriend Jennylyn Mercado: "Siya yung taong nagbibigay ng balance sa mundo."

IMAGE Arniel C. Serato / Noel Orsal

Nananatili pa ring tikom ang bibig ni Dennis Trillo tungkol sa totoong estado nila ng napapabalitang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ayon sa aktor, "Si Jen, ano siya, inspirasyon siya sa buhay ko."


"Inspirasyon siya sa buhay ko."

Ito pa rin ang tanging sagot ni Dennis Trillo sa tanong kung sino ba si Jennylyn Mercado sa buhay niya.

Kagabi, October 19, sa programang Tonight With Boy Abunda, inusisa ng batikang TV host ang aktor tungkol sa namamagitan sa kanila ni Jennylyn.

Matagal na ang balitang muling nagkakamabutihan ang dalawa matapos ang hiwalayan nina Jennylyn at Luis Manzano noong nakaraang taon.

Sa March issue ng YES! magazine, inamin ni Jennylyn na "exclusively dating" sila ni Dennis.

Sa parte naman ng aktor, bagamat, nagpo-post siya sa social media accounts nito ng larawan nila ni Jennylyn, wala pa rin itong direktang pag-amin tungkol sa relasyon nila.

Sabi niya kay Boy, "Si Jen, ano siya, inspirasyon siya sa buhay ko.

"Siya yung isa sa mga tao na nagbibigay ng balance sa mundo ko, sa buong pagkatao ko. Nagpapasaya sa akin."

Napag-uusapan na rin ba nila ang pagpapakasal?

Nakangiting sagot ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend star, “A, wala pa po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN