Jake Cuenca to doubters of his negative drug test: "I can do it anytime."

IMAGE Instagram photo of Jake Cuenca/Ari Simangan

Jake Cuenca says he never tried illegal drugs: "I had fun like from time to time, socialize and see my friends, loud music, but that doesn't mean anything. There's nothing wrong."


Hindi isyu kay Jake Cuenca kung isa siya sa mga artistang ni-release ang resulta ng naging pagbo-voluntary drug test niya at kunsaan, negatibo naman ang naging resulta nito.

Kahit na sa kabila ng pagiging negatibo ng resulta, may ilang nagsasabing dinoktor ang resulta o para lang maging mas maganda raw ang imahe niya, gayundin ang ibang aktor na lumabas din na negatibo.

“I think, hindi intention ng Star Magic na i-release yun,” saad ni Jake sa ginanap na presscon ng award-winning indie film niyang Mulat na ipapalabas na sa November.

Ayon pa kay Jake, “Pero siguro, natuwa sila na maraming nag-negative, ni-release na rin nila.

“My reaction was, 'I knew it!' Nag-volunteer ako for the drug test because I knew and I told my handler, Tito Allan [Real] that if you guys wanna do this, random, all these things, you can do that, just to prove to everyone.

“Para lang makita ng mga tao na artista kami, but we’re being responsible.”

Dahil naman sa pagri-release ng mga pangalan nila na negative sa paggamit ng droga, tila naging impresyon daw ng ilan ay naglilinis lang daw ang pangalan nila.

May ibang nagdududa pa rin.

“Like I’ve said, I can do it anytime, let’s do this random,” saad niya.

Read: Enrique Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing

CELEBS UNDER SIEGE. Isa raw sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang sumailalim sa random drug test ng Star Magic ay para maiba ang imahe ng mga artista sa publiko.

“Honestly lang, I’ll tell you the truth, we voluntarily did this, it means something,” sabi ni Jake.

“Pero ang isa rin lang, we didn’t have to do it, hindi rin naman namin kailangang gawin, e.

“We didn’t make an oath na noong nag-artista ka, we would not break rules, break the law or this and that, but we did it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At naramdaman ng Star Magic, naramdaman ng lahat ng artista na celebrities are being under siege.

“Every time na manonood ako ng news, may celebrity na, 'Blah, blah, ganito, ganyan.' So I think, it’s better na unahan na namin.

“Tutal gusto ng Star Magic na mag-drug test and voluntary we did it.”

Pagkatapos, para mas mapatunayan, inulit ng aktor, “Like I’ve said, let’s do this randomly if you guys want to do it, just to prove a point.

“Para wala nang duda, wala nang ispekulasyon.

“Kasi, one day notice lang ang binigay sa amin for that. Sinabi na may drug test bukas, we did it.

“Hindi yun two weeks, 'tapos saka ang test ha.”

Ayon pa kay Jake, “Ako, I just support it because celebrities are under siege, you know, ang daming speculations going around.”

Aminado ang dating Pasion de Amor actor na noong mas bata pa siya, “Ang hilig kong gumimik, ang hilig kong lumabas.”

Nag-iba na raw siya kasi, “I’m working, e. Kapag trabaho, trabaho.

“Mahirap kapag may vacant time, nabu-bored.

“Pero wala namang masama on going-out. You only live once, so go out and have fun.

“Pero for me, iba na ang interes ko ngayon, e.

“I like going out to the beach, do short courses with my acting.”

NO TO DRUGS. Diretsuhan namang tinanong si Jake kung naranasan na rin niya ang mag-drugs.

“No, of course,” sagot niya.

“Ang sinabi ko, it’s not something that I want to dive into details.

“But I must admit at hindi rin naman ako natatakot sabihin na mahilig talaga kong gumimik nun.

“I had fun socializing, I had fun like from time to time, socialize and see my friends, loud music, but that doesn’t mean anything. There’s nothing wrong.

“Kaya nga legal naman ang mga gimikan na ‘yan because there’s nothing wrong with that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “For me, when I was younger, I really love to go out. Talagang ine-enjoy ko naman ang pagiging celebrity ko na gumigimik ako, kilala ako ng mga tao, babae, ganyan.”

Sa kanyang madalas na paggimik, napansin ba ni Jake ang tungkol sa sinasabi nilang party drugs?

“That I don’t know,” saad niya.

“I can’t speak about that, I cannot comment.

“Especially now na mahirap na rin magsalita, especially now with everything that’s going on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN