Ruru Madrid mourns death of his dear grandmother

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid posts touching message for his late grandmother, "Mahal na mahal po kita, 'nay... Pero di po sapat yung mga yun, 'nay, sa pinaramdam mong pagmamahal saken I love you so much po."


Kasalukuyang nagluluksa ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola ngayong Huwebes, October 20.

Bilang pag-alala, nag-post ang Encantadia star sa Instagram ng larawan niya kasama ang kanyang lola na kung tawagin niya ay “Nanay.”

Sa isang bahagi ng mensahe niya para sa kanyang yumaong lola, sinabi ni Ruru, “Nay kanina nung nasa hospital ka na lumapit po ako sayo at sinabi mo agad saken na 'I miss you.'

“'Nay, miss na miss din po kita nun lalo na po ngayon miss na miss na kita agad.

“Mahal na mahal po kita, 'nay.

“Alam mo naman po yun dahil lagi ko sinasabi sayo yun tuwing magkikita tayo.

“Pero di po sapat yung mga yun, 'nay, sa pinaramdam mong pagmamahal saken I love you so much po.”

Sa isa na pinaka magandang babae sa buong mundo sa pinaka mabait,maalaga,mapagmahal na Nanay at lola sa nagalaga sa akin nung bata ako sa nagturo sa akin mag sabi ng Po at Opo sa nagbigay ng 2 yaya sa akin nung Grade 1 ako dahil masyado akong tamad sa nagkkwento sa akin tuwing gabi ng mga nakakatuwang kwento sa isa sa mga tumatanggap ng pagka pilyo ko at sa nanay ng 11 kong mga tito at tita na nagka anak ng napaka dami kong mga pinsan at sa mahal na mahal kong lola/Nanay Maraming Maraming salamat po Nay...Sorry po kung medyo naging busy po ako lately ah di tuloy kita lagi napupuntahan at nadadalhan ng paborito mong pagkain...Gusto po sana kita bilhan ng mga pang tinda mo sa tindahan mo eh mga damit din po .. Nay kanina nung nasa hospital ka na lumapit po ako sayo at sinabi mo agad saken na "I miss you" nay miss na miss din po kita nun lalo na po ngayon Miss na miss na kita agad Mahal na mahal po kita nay Alam mo naman po yun dahil lagi ko sinasabi sayo yun tuwing magkikita tayo pero di po sapat yung mga yun nay sa pinaramdam mong pagmamahal saken I love you so much po .. Rest In Peace Nanay May 13,1934-Oct.20,2016

A photo posted by Ruru Madrid (@rurumadrid8) on


Dumagsa ang mensahe ng pakikiramay kay Ruru at sa kanyang pamilya mula sa mga kaibigan, katrabaho, at fans.

Matatandaang noong sumali si Ruru sa Protege: The Battle For The Big Artista Break noong 2012, isa sa mga kuwento niya ang pagiging close nila ng kanyang lola na nagpalaki sa Kapuso actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN