Glaiza de Castro reveals reason why romance with Benjamin Alves did not blossom

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro hints at Benjamin Alves's lack of consistency as the reason why their relationship did not take the next level.


Nagsalita na si Glaiza de Castro kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Benjamin Alves, na ngayon ay idine-date si Julie Anne San Jose.

Bago si Julie Anne, ang Encantadia star ang napabalitang idini-date ng Kapuso hunk.

Paglilinaw ni Glaiza, walang agawang nangyari sa kanila ni Julie Anne dahil hindi naman umabot ang ugnayan nila ni Benjamin sa isang relasyon.

“Walang naganap na agawan at breakup dahil hindi naman dumating sa point na nagkaroon ng commitment,” paglilinaw ng Kapuso actress-singer sa ginanap na pocket press conference sa GMA Building, Quezon City nitong Huwebes, October 20.

Nang lumabas ang balitang nagkakamabutihan na sina Glaiza at Benjamin, bumibisita pa sa bahay ng aktres ang aktor.

Sabi ni Glaiza tungkol dito, “Ganun talaga syempre.

“Kapag sa unang phase ng panliligaw, kasama naman talaga yun.

“Pero hindi naman lahat ng dumadating dun ay nag-e-end up sa relationship.

“Yun yung point ng dalawang tao na tinitingnan nila kung pwede ba o hindi. E, hindi.”

Sa ngayon, wala na raw silang komunikasyon ni Benjamin.

Sinabi rin ni Glaiza, na kilala ngayon sa kanyang role bilang Pirena, na hindi naman nila pinag-usapan ng aktor ang kanilang naging estado.

“Wala nama kasi kaming palitan ng verbal na ganyan.

“Parang mutual siya na hindi na lang kami nag-usap.”

TESTING FOR CONSISTENCY. Hindi naman direktang tinukoy ni Glaiza, pero tila hindi niya nakita kay Benjamin ang pagiging consistent sa nararamdaman nito para sa kanya.

“Kapag ang isang lalaki gusto niya ang isang babae, siyempre best foot forward siya lagi.

“Kaming mga babae, estimahin namin kung consistent ba o kung may mga times ba na merong pangyayari na ganito, how would you react, di ba? E, wala.”

Dugtong ng dalaga, “Siguro kasi kung iko-commit ko ang sarili sa relationship, gusto ko consistent, tsaka parehas tayong nagtutulungan.

“Ganun yung relationship para sa akin.”

Paliwanag ni Glaiza, naniniwala siyang dapat magkaroon ng bigayan ang dalawang tao na nasa relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko pag nag-commit ako, commitment talaga. At saka gusto ko, parehas tayo, sabay tayo.”

Paniniyak naman ni Glaiza, hindi sila nag-away ni Benjamin.

“Wala, wala. Ayoko lang din na masyadong showbiz pagdating sa relationship.

“Gusto ko totoong tao. I mean, hindi pa-showbiz.

“Kumbaga siyempre, eestimahin mo nga, pag-aaralan mo dahil hindi naman siya pa-cute-cute na bagay.

“Kailangan niya ng commitment, kailangan niya ng dalwang tao para mag-work.”

Pagtukoy naman niya kay Benjamin, “Di ko siya priority nung time na yun dahil hindi ko siya nakitaan ng reason para i-prioritize.”

CHARITY WORK Samantala, pinaghahandaan ngayon ni Glaiza ang isang charity show upang makalikom ng pondo para sa mga batang cancer patients ng Philippine General Hospital.

Ani Glaiza, ang mga fans na manonood ng gig niya ay may pagkakataong maka-bonding siya at magsaya.

Mangyayari ang concert sa University of the Philippines Cine Adarna sa October 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN