Rocco Nacino looks out for Sanya Lopez

IMAGE GMA Network Instagram

Rocco Nacino on Sanya Lopez: "Ang nag-stand out sa akin about Sanya is her enthusiasm sa work, sa enthusiasm niya na magtrabaho, mag-improve."


Loverboy na loverboy ang aura ni Rocco Nacino habang nagkukuwento tungkol sa co-star niya sa Encantandia na si Sanya Lopez dahil kapansin-pansin ang pangingislap ng kanyang mga mata, lalo na nang tanungin kung attractive sa paningin niya ang baguhang aktres.

Pahayag ng Kapuso actor, “Oh yes, definitely!

“Pero ang nag-stand out sa akin about Sanya is her enthusiasm sa work, sa enthusiasm niya na magtrabaho, mag-improve.

“Aware naman tayo, siya ang pinaka-newbie, pero talagang she goes out of her way.

“Sinabihan ko rin siya, ‘Sanya, huwag kang mag-alala, tututukan kita sa fight scenes and when it comes to acting din.’

“Kung ano yung two cents ko, naibibigay ko. Pine-pep talk ko bago siya sumalang…”

Patuloy ni Rocco, “Kapag may taping din ako, ‘O ito ‘yung eksena mo, remember, ito yung objective mo.’

“Parang tulungan, since love team naman kami.

“Ako rin naman yung nandoon, magtulungan na lang kami.

“Part of the actor’s job is to look out for your love team.”

Sa Encantadia ay ginagampanan ni Rocco ang papel bilang Aquil, habang si Sanya naman ang gumaganap bilang Danaya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa contract signing niya sa Kapuso network ngayong Huwebes, Oktubre 20.

Tatlong taon ang bagong kontratang pinirmahan ng StarStruck alumnus sa GMA-7, kaya nagpapasalamat siya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mother studio niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN