Manny Pacquiao: Don't let haters ruin your happiness.

Mar 18, 2016
<p>Manny Pacquiao's posts message to his bashers: "Kapag ang isang tao inggit na inggit sayo gagawa at gagawa sya ng dahilan at kasinungalingan para sirain ang pangalan mo, kasiyahan mo at ang iyong reputasyon."</p>

Hindi nagpatinag si boxing champ at Sarangani Representative Manny Pacquiao sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan.


Sa kanyang Instagram post noong Huwebes, March 17, nagbahagi si Pacquiao ng isang quote card na tila patama sa mga patuloy na naninira sa kanya.

Sabi rito, “Kapag ang isang tao inggit na inggit sayo gagawa at gagawa sya ng dahilan at kasinungalingan para sirain ang pangalan mo, kasiyahan mo at ang iyong reputasyon.”

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Matatandaang bumaba ng husto ang rating ni Pacquiao sa pinakahuling Pulse Asia nationwide survey.

Napunta si Pacquaio sa dulo ng listahan ng tinaguriang Magic 12 o probable winners para sa mga kumakandidato bilang senador sa 2016 elections.

READ: Manny Pacquiao's rating drops after backlash on his view about same-sex marriage

 

Sa kabilang banda, puspusan ang pag-e-ensayo ni Pacquiao para sa nakatakdang paghaharap nila ni Timothy Bradley Jr. sa MGM Grand Arena, Las Vegas sa April 9.

Base ito sa series of Instagram posts ni Pacquaio kung saan makikita ang sparring sessions nila ng kanyang coach na si Bob Arum, pati na rin ang daily run at core workout ng Pambansang Kamao.

Continue reading below ↓

Stay updated with my training and subscribe to my YouTube channel. God Bless you all.

A video posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Ito ay sa kabila ng naunang panawagan ng Commission on Elections (Comelec) at dalawang complainants na i-urong ni Pacquiao ang kanyang boxing fight pagkatapos ng May 9 elections.

READ: Manny Pacquiao turns down Comelec's advice to postpone Bradley fight

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Manny Pacquiao's posts message to his bashers: "Kapag ang isang tao inggit na inggit sayo gagawa at gagawa sya ng dahilan at kasinungalingan para sirain ang pangalan mo, kasiyahan mo at ang iyong reputasyon."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results