Rocco Nacino on breakup with Lovi Poe: "Mas naging blessing pa nga yung nangyari, sa totoo lang."

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino on life after breakup with Lovi Poe: "She played an important part na rin sa buhay ko. But at least, this early pa lang, alam ko na hindi siya para sa akin. Early this year naman, ni-reassess ko lahat. Parang nakikita ko na mas okey na yung ganito."


Dahil sariwa pa sa isip ng lahat ang breakup nila ng ex-girlfriend na si Lovi Poe, hiningi ang opinyon ni Rocco Nacino sa sinabi ng aktres na masaya ito para sa kanya, kung totoo man ang mga balitang nagkakamabutihan sila ni Sanya.

“Anong sabi niya sa akin?” tanong ni Rocco sa mga kausap na reporters.

Happy daw siya for you?

“Ahhh...”

Nakikita ba niya ang pictures ni Lovi sa Instagram kasama ang foreigner na si Chris Johnson?

Sagot ni Rocco, “Hindi, e. Hindi ko na siya pina-follow.

“Bakit pa? Para saan pa?

“Pero she played an important part na rin sa buhay ko.

“But at least, this early pa lang, alam ko na hindi siya para sa akin.

“Early this year naman, ni-reassess ko lahat.

“Parang nakikita ko na mas okey na yung ganito.”

Dagdag niya, “Hindi pa rin naman siya handa, e.

“Kung anuman ang ginagawa niya, yun siya, e, so maging masaya na lang para sa kanya.

“Ako, mas masaya ako ngayon.

“Mas naging blessing pa nga yung nangyari, sa totoo lang.”

Inamin ni Rocco na hindi pa niya nakikita at nakakausap si Lovi mula nang maghiwalay sila.

“Wala kaming rason para mag-usap,” pakli niya.

Paano kapag nag-resume ang shooting ng pelikulang Lakambini, kung saan magkasama sila?

Ayon kay Rocco, “Definitely, pagdating ko doon [sa set], Andres Bonifacio ako.

“Makukuha niyang sagot sa akin, malalalim na Tagalog.

“I’m very ready to work with her.”

Inulit ni Rocco ang pahayag niya noon sa PEP na nagulat siya sa nangyari sa relasyon nila ni Lovi, kaya kahit papaano ay sumama ang kanyang loob.

“Nagulat ako sa mga pangyayari, pero kapag mahal mo yung isang tao, the better way to show your love is to let her go,” ang confident at maligaya na sabi ni Rocco.

Very positive ang mga pananaw ng Kapuso actort dahil sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang personal life at career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN