Martin del Rosario says his restobar is ready for drug inspection anytime

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario: "Masisira yung buhay nila sa drugs!"


Handa raw si Martin del Rosario na buksan ang kanyang restobar na The Armory sa Quezon City para sa ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon sa Kapuso actor, kampante siyang drug-free ang kanyang establisiyemento dahil mahigpit ang pagbabantay ng kanyang mga tauhan dito.

“Open naman kami para mag-check sila, para mas maganda.”

Matatandaang kamakailan ay boluntaryo ring sumailalim sa drug test si Martin para patunayan na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor, sinabi niyang hindi rin niya binalak na subukan ito.

Para sa kanya, wala itong magandang maidudulot sa buhay.

Aniya, “Masisira yung buhay nila sa drugs!

“Kasi, mawawalan ka na ng pera 'tapos parang siguro baligtad yung araw mo, di ba?

“Yung pagod ka na, aligaga na, hindi mo maintindihan, di ba?”

Read: Martin del Rosario not in favor of publicizing celebrity drug watch list: 'I-verify muna...'

TIMEOUT FROM BUSINESS. Samantala, hindi raw muna tutok ang atensiyon ni Martin sa kanyang restobar dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa bago niyang teleseryeng Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Isang additional character ang role na gagampanan ni Martin sa nasabing TV adaptation ng 1987 movie starring Maricel Soriano, Lorna Tolentino, and Gabby Concepcion.

Magiging third party siya sa bagong tambalang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Hindi naman daw nag-aalala si Martin kung may mga magalit sa kanya dahil sa role niyang magiging hadlang sa Julie Anne-Ben love team.

Sa huli, ang sabi lang niya, “Basta ako po, ginagalingan ko lang yung character, though hindi naman ako masama dun, yung mga idolo nila, wala naman akong sasaktan dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN