Bailey May, Ylona Garcia not likely to walk as a pair on Star Magic red carpet

IMAGE Noel Orsal

Bailey May says he's taking it slowly with Ylona Garcia: "I'm only fourteen, we have a good future ahead of us."

 


Tiyak na malulungkot ang mga BaiLona fans sa balita na baka hindi sina Bailey May at Ylona Garcia ang magkapareha sa Star Magic Ball 2016 na gaganapin bukas, October 22, sa Makati Shangri-La Manila.

Ang batang aktor na mismo ang nagsabi na hindi pa niya tinatanong si Ylona kung puwede ba na siya ang maging escort nito sa darating na event ng Star Magic

“‘Di pa kami nagtatanungan, we haven’t asked each other yet.

“Hindi pa. Siguro, secret,” lahad ni Bailey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nitong Sabado, October 19, sa nakaraang Push Award.

May tampuhan ba sila ng kapareha?

Tanggi ni Bailey, “Hindi po, we’ll see, I think the time will come.

“Kung nandun na ang tamang opportunity, I’ll take it.”

Inamin din nito na sa ngayon ay gusto muna niya na magdahan-dahan pagdating sa kanila ni Ylona.

Mga bata pa raw sila at marami pa silang dapat harapin sa kanilang buhay at career.

Ani Bailey, “We want to take things slowly… I’m only fourteen, we have a good future ahead of us.”

Ibinalita rin niya na hindi na pala sila kasali ni Ylona sa cast ng pelikulang Bloody Crayons.

Siniguro naman ni Bailey na may proyektong nakalinya para sa kanilang dalawa, “They changed it, but we have new stuff coming soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN