Herbert Bautista on President Duterte's first 100 days: "Take out all the expletives, I think he's okay."

IMAGE Nikko Tuazon

Qeuzon City Mayor Herbert Bautista on the next step after President Rodrigo Duterte's war on drugs on his first 100 days in office: "Ang daming na-discover that I think we should already act on not in palliative terms but in more substantive and strategic term. For one, building a big rehabilitation center is important."


Marami raw nadiskubre ang sambayanang Pilipino matapos ang mahigit 100 days na pamumuno ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ay ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Quezon City mayor na si Herbert Bautista nitong nakaraang Miyerkules, October 19.

Read: Herbert Bautista says he and Kris Aquino are on "discovery" level: "Parang halaman...inaalagaan mo."

Isa sa mga national issues na nabigyan ng matinding pansin hindi lang ng local kundi maging ng foreign press ay ang war on drugs kung saan tutok na tutok ang Pangulo.

Pahayag ng QC mayor, "The President has concentrated so much on the drug war, and I think everybody knows about it now, after a hundred days of talking about it."

Kalakip ng war on drugs ni President Duterte ay ilan pang mga isyung kunektado sa droga ang lumitaw.

Ani Herbert, "Ang dami nang nangyari na discovery because of the drug war. We discovered kulang tayo ng rehabilitation centers, we discovered na siksikan na yung mga city jails natin."

Bukod dito, kailangan na rin daw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng sarili nitong law enforcement unit upang maiwasan na rin ang corruption sa ilang miyembro ng kapulisan na sangkot sa droga.

Pahayag ni Herbert, "We discovered na yung PDEA Law was created na dumating yung point na after 10 years e kailangan may sarili na silang law enforcement unit na hindi nangyari."

Dagdag na paliwanag nito, "Para hindi nasisira yung image na kahit yung mga pulis, puwede niyang hulihin dahil kasangkot sa sindikato."

Marapat lang din daw na pagtuunan ng pansin at mabigyan na ng long-term solutions ang mga isyung ito.

Wika pa ng actor-politician, "Ang daming na-discover that I think we should already act on not in palliative terms, but in more substantive and strategic term. For one, building a big rehabilitation center is important."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala naman ang QC mayor na ipinagpapatuloy pa rin ng kasalukuyang administrasiyon ang mga magagandang programa na sinimulan ng administrasyong Noynoy Aquino.

Sabi ni Herbert, "Government naman is doing that. I still believe that government is an institutional thing na regardless of political personalities, the programs must continue. At alam naman natin, iyan, e.

"Nagbago ba yung economic fundamentals natin? Hindi naman, e. Nagbabago lang yung tao, nagbabago lang yung thrust.

"Kung sinong nakaupo, ito ang focus ko pero dapat tuluy-tuloy pa rin yung institutional movement, yung grinding of programs ng iba't ibang departamento, dapat magpatuloy yun. Hindi dapat tumigil yun.

"Otherwise, talagang personality based lang yung pamamahala natin dito, di ba?

"So dapat yun, regardless of political personalities, the programs of institutions in the government must continue.

"And I think, he's doing that. Binigyan niya lang ng special mention yung peace and order, specifically yung anti-drug."

Sa ngayon, foreign relations naman ang pinagtutuunan ng pansin ni President Duterte upang patibayin pa ang ugnayan ng ating bansa lalo na sa mga miyembero ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Aniya, "Now is the time for the president to look at the different track. I think he's now on the foreign relations track."

Patuloy pa niya, "Strategically he knows that President Obama [of U.S.] is outgoing so kung sino man ang mananalo, makikipag-usap sa kanila yun indefinitely.

"Meanwhile, alam niya yung Brexit, medyo magulo ang EU [European Union].

"Pag nag-settle iyan, hopefully by March, mase-settle na yung issue ng gradual phase out, pag-alis ng United Kingdom [UK] sa EU, titining na rin 'yan.

"What he's doing, he's trying to strengthen his relationship with ASEAN countries. Not just because we're the host country ng ASEAN sa 50th anniversary niya but because ano yung concerns ng West Philippine Sea, ng claimant countries, include mo pa yung Taiwan na hindi naman part ng ASEAN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Merong seryosong dispute between Japan and China. So yun yung kanyang binabalanse."

Sa loob din ng 100 days ng Pangulo ay ang kaliwa't kanang headlines sa local at foreign media organizations patungkol sa mga kontrobersiyal na statements nito.

Kabilang dito ay ang madalas na pagmumura ni President Duterte sa kanyang mga speech. Isa raw ito sa mga paraan ni President Duterte upang pakinggan ang sinasabi nito.

Ani Herbert, "Take out all the expletives, I think he's okay."

Dagdag pa niya, "Sinabi naman niya, e. Sa airport papuntang Vietnam, 'E kung hindi ba ako magmumura, papansinin ba ako ng mga iyan?' Sinabi naman niya iyan, e. And that's what he did. So ngayon, pinapansin na siya."

Samantala, mas marami raw ang isyung kaugnay kapag "war on poverty" naman ang bibigyang pansin ni President Duterte.

Kaugnay na rito ang malalang estado ng trapiko sa Metro Manila.

Aniya, "Poverty has a lot of aspects e [like] housing. Metro Manila traffic para sa akin is not only about traffic management.

"It's also about housing, kasi ang daming kalye dito na may nakatira along the way, e.

"So it’s housing, relocating people. Sa relocation site, dapat kailangan may kuryente, may tubig, may trabaho, may eskuwelahan, may ospital.

"So kailangan pumasok si Health, si TESDA, pumasok si ano… You're only talking about traffic in Metro Manila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN