Ina Raymundo in the throes of midlife crisis turns to zumba

IMAGE Noel Orsal

Ina Raymundo deals with midlife crisis her way: "I enjoy doing zumba because it makes me feel young, parang nagmumurang kamias.I don't know, pero yun yung napi-feel ko."

 


Isang rebelasyon ni Ina Raymundo ang ikinagulat ng ilan sa mga nakakakilala sa kanya.

Buong-ningning kasing sinabi ni Ina na, “May midlife crisis ako ngayon,” sa ginanap na presscon ng bagong serye ng GMA-7 na Trops na produce ng TAPE Inc.

Forty years old na nga ang unang nakilala bilang Sabado Girl at inamin nito na nararanasan nga niya ang mga emosyon sanhi ng hormonal change.

Pero hindi naman daw negatibo ang effect nito sa kanya, “I wanna feel young, that’s why I do zumba.

“I enjoy doing zumba because it makes me feel young, parang nagmumurang kamias.

“I don’t know, pero yun yung napi-feel ko.”

Gusto lang daw talaga niya na kahit 40 na siya, para pa rin siyang bata.

“Kaya, I think, working with them, the Bae, it’s going to be so much fun,” nakangiti pa niyang sabi.

Ang karakter ni Inah sa Trops ay ang maganda at seksing teacher ng mga Baes.

Naganap ang presscon ng nasabing teleserye sa Racks noong October 18. Magsisimula nang mapanood ito sa Lunes tuwing 11:30 ng umaga.

Sa isang banda, naaapektuhan ba ng midlife crisis ang kanilang relasyon ng asawa?

“Hindi naman, paano ba yun, kasi ako, parang I only want to be happy.

“At saka, ang palagi kong sinasabi sa asawa ko, ‘Honey, I’m going through my midlife crisis, I hope you just bear with me.’

“Parang maharot ako, positive naman, parang I’m more playful than usual.

“Kasi ako, parang I wanna feel young lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN