Rocco Nacino hopes to be paired with Sanya Lopez in a project

IMAGE Rocco Nacino's Instagram

Has Sanya Lopez replaced Lovi Poe in Rocco Nacino's heart? "Let's see," he replies mirthfully. "Ang doors ko naman laging bukas when it comes to that."

 


Nali-link ngayon sina Rocco Nacino at ang gumaganap na Danaya sa Encantadia na si Sanya Lopez.

Isa nga raw sa mga wish ng aktor ay magkaroon ng show na si Sanya ang leading lady niya.

Tipong kahit mga kasamahan nila sa fantaserye ay kinikilig sa kanilang dalawa.

Pahayag ng aktor, “Kitang-kita kay Sanya na proving ground niya ‘to, itong sa Encantadia.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Nandito naman ako para tulungan ka.

“‘Tututukan kita sa mga scenes mo, to be a friend.

“‘One of the first few friends niya na actor to help you make your mark.’”

Friends lang?

“I’m sure, yun din ang purpose niya, to really concentrate on Encantadia.

“Ramdam ko ang pressure na binubuhat niya.

“Kahit papaano, in between teleserye, nandoon ako para sa kanya.

“Napapagaan ko ang loob niya to relieve the pressure.”

Nangiti naman si Rocco nang sabihin dito na tipong kinikilig naman si Sanya sa kanya.

“Talaga ba? Ako rin naman,” nakangiti niyang sabi.

“Nakakatuwa… nakakatuwa na nandiyan siya.

“Nakakahawa kasi very contagious ang tawa niya. Nakakagaan.”

Inamin ni Rocco na nakatulong si Sanya at ang lahat ng Sang’gres na maka-move on siya sa breakup nila ni Lovi Poe.

“Nandoon sila, nandoon ang mga Sang’gres at my lowest point.

“Alam nila ang nangyari sa akin so doon pa lang, nagkaroon kami ng malalim na relationship.

“Nakakapag-usap kami ni Sanya at, kumbaga, isa siya sa kinakapitan ko.”

Puwedeng pumalit si Sanya kay Lovi?

“Let’s see,” natawang sagot niya.

“Ang doors ko naman laging bukas when it comes to that.

“Pero nandun pa rin yung priorities ko, to secure all of these.

“Make sure na nakakapagtrabaho ako nang maayos.

“If ever na dumating sa ganyang point, e. Ma-balance ko talaga.

“It’s all about balance.”

Bago lang niyang kilala at nakakasama si Sanya,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ang mga nagugustuhan ni Rocco rito?

“Yung abs niya,” biro ng aktor.

Sabi pa niya, “Pero hindi, tuwang-tuwa ako sa eagerness niya to learn.

“Tuwang-tuwa rin ako kung paano nakakahawa ang tawa niya.

“Kapag sinabing seryoso na tayo, seryoso na siyang talaga.”

Sa isang banda, mataas ang rating ng fantaserye nila.

Ang alam daw ni Rocco, posibleng hanggang January pa ang itatagal ng Encantadia.

“Pero sabi nila baka February po, good thing yun,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN