Sharon Cuneta meets Gabby Concepcion's other daughter

IMAGE Instagram (itskcconcepcion)

Sharon Cuneta finally met Garie Concepcion, Gabby Concepcion's daughter from a former partner. The chance encounter happened last Saturday night, October 22, at Sharon's concert at Solaire Resorts and Casino.


Nagkaroon ng pagkakataon na makaharap at makilala ni Sharon Cuneta si Garie Concepcion, half-sister ni KC Concepcion mula sa amang si Gabby Concepcion.

Si Garie ay anak ni Gabby sa dating aktres na si Grace Ibuna, samantalang si KC ay anak nina Sharon at Gabby.

Nangyari ang pagtatagpo sa ginanap na concert ni Sharon sa Solaire Resorts and Casino nitong nakaraang Sabado, October 22.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni KC ang larawan kasama si Garie at ang Megastar.

Simpleng caption ni KC, “Love conquers all.”

Love conquers all. ?? #SHARON #KCLovesFamily

A photo posted by KC Concepcion (@itskcconcepcion) on

Bukod pa rito, nakilala rin ni Garie ang mga kapatid ni KC, o ang mga anak ni Sharon sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Ipinost ni KC ang larawan kasama ang mga kapatid na sina Frankie at Miguel kasama si Garie.

Wala naman sa picture ang isa pang anak nina Sharon at Sen. Kiko na si Miel.

When my 2 worlds collide. Welcome to my life. ???? @frankiepangilinan @garie_concepcion #SHARON

A photo posted by KC Concepcion (@itskcconcepcion) on

Samantala, sa Twitter, nagkaroon ng palitan ng tweets sina Garie at Frankie.

Sinabi ni Frankie na sana ay magkita silang muli at pinuri naman ni Garie ang performance ni Frankie sa concert ng ina na si Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN