Jake Ejercito dedicates first acting award to daughter Ellie

IMAGE Twitter (@unoemilio) Instagram (@jerikaejercito)

Jake Ejercito wins Best New Male Personality at the recently-concluded PMPC Star for M-TV AWards and dedicates award to his "number one inspiration and princess," Andi Eigenmann's daughter Ellie.


Inalay ni Jake Ejercito ang kanyang napanalunang award sa napapabalitang anak niya kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Si Jake ang nagwaging Best New Male TV Personality sa Star Awards for Music-Television ng Philippine Movie Press Club (MTV) na ginanap nitong Linggo ng gabi, October 23, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Nanalo si Jake para sa kanyang pagganap sa Eat Bulaga! Lenten presentation na God Gave Me You, kung saan nakasama niya sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ka-tie niya si Simon 'Onyok' Pineda ng Ang Probinsyano.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito ang bahagi ng acceptance speech ng binata:

β€œTo my number one inspiration, my princess, my Ellie, this is for you.”

"To my number one inspiration, my princess, my Ellie.. This is for you" ?? #starawards2016

A photo posted by Jerika Ejercito (@jerikaejercito) on

Kasama ni Jake sa nasabing event si Jerika at ang kanilang ina na si Laarni Enriquez.

Matapos lumabas ang balitang siya ang biological father ni Ellie, nag-post si Jake ng mga larawan nilang dalawa sa kanyang social media account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN