James Yap very happy about first meeting of his sons Bimby and MJ

IMAGE James Yap Instagram / Kris Aquino Instagram

James Yap on Bimby's first meeting with his baby brother, Michael James: "Pagdating, gusto niya umakyat agad sa taas, gusto niya makita. Nilalaro niya. Hinahawakan niya. Tapos sabi niya, 'He looks like me. He looks like me!'"


Masaya at tila hindi makapaniwala si James Yap na nagkita na rin sa wakas ang anak niya kay Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap at ang anak nila ni Michela Cazzola na si Michael James.

Si Bimby ay nine years old na, habang si MJ naman ay magti-three months pa lang sa Nobyembre.

Ikinuwento ni James sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatanggap siya ng text message mula kay Kris kung puwede na silang dumalaw ni Bimby sa baby brother nito.

“Nagulat ako na bigla na lang siya nag-text.

“Sabi ko, totoo ba 'to? Nagulat talaga ako.

“Ayun, at least okay naman.

“Sobrang saya kahapon [October 22].

“Sobrang saya ko dahil nakita ni Bimby yung baby brother niya,” lahad ng bagong Rain Or Shine player nang makausap siya ng PEP sa telepono kahapon, October 23.

Ayon pa kay James, pagdating pa lang nina Kris at Bimby sa bahay nila ni Michela ay nakita niyang sobrang excited si Bimby na makita ang kapatid nito.

Natatawang kuwento niya, “Pagdating, gusto niya umakyat agad sa taas, gusto niya makita.

“So, sobrang happy.

“Nilalaro niya. Hinahawakan niya.

“Tapos sabi niya, ‘He looks like me. He looks like me!’”

Sinabihan daw ni Kris si Bimby na hindi naman daw ito ganun kaputi katulad ng anak nina James at Michela.

Kuwento pa niya, “Tuwang-tuwa ako kasi nilalaro ni Bimbs yung baby.

“Tapos nung patulog na, umakyat pa siya ulit. Tiningnan niya, ganyan.

“Sinusubaybayan ko lang siya.

“Nakita ko masaya siya na nakita niya yung baby brother niya.

“Nagri-react ang baby. Nag-smile siya kay Bimby.”

Ang isa raw sa ikinagulat ni James ay sobrang lumaki si Bimby.

Halos dalawang oras din daw sina Kris at Bimby sa kanila.

“Sina Mic at Kris ang nagkukuwentuhan. Alam mo naman mga babae,” pakli nito.

Ayon kay James, kung ano man ang mga lumabas na isyu noon ay kinalimutan na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga, nakilala na raw ni Bimby ang kapatid niya. Mabuting wala na raw negatibong isyu at masaya na ang lahat.

“Basta wala na yun. Hindi ko na iniisip ‘yun,” sambit niya.

Samantala, hindi pa raw napag-uusapan nina James at Michela kung kailan nila pabibinyagan si Baby MJ. Pero baka raw sa December nila ito gawin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN