30 celebs on drug watchlist submitted to Malacañang, says PNP chief

by Bernie V. Franco
Oct 25, 2016
PNP Chief General Ronald "Bato" dela Rosa has submitted to Malacanang the names of 30 celebrities linked to illegal drugs.

Isinumite na ni Philippine National Police Chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa sa Malacanang ang pangalan ng 30 artistang pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs, ngayong Lunes, October 24.

Ayon kay Dela Rosa, ang listahang galing sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay ibinigay na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maaari pa raw itong madagdagan kung idadagdag ang listahan ng Pangulo.

Sabi pa ni Dela Rosa, mas mahaba ang listahan ni Pangulong Duterte na mga artistang hinihinalang konektado sa ipinagbabawal na gamot.

“Basta yung listahan na nakarating sa akin, lalo na yung galing sa NCRPO, ipinasa ko na sa Malacanang at idagdag na iyon sa listahan ni Presidente.

“Meron siyang mga celebrity watchlist.

“Yung sa NCRPO na sinubmit sa akin, around 30 celebrities.

“Baka iba pa yun [sa Pangulo]. Mas marami yung kay Presidente,” pahayag ng PNP chief sa ulat ng GMA News Online.

Ang listahan ng mga artistang ito ay nakuha raw ng NCRPO mula sa mga naarestong drug suppliers.

Continue reading below ↓

“Kung sino-sino yung mga kinanta nung celebrity supplier nila ng drugs.

“Hintayin na lang natin kung ia-announce ni Presidente yun or ayaw niya ia-announce,” sabi ni Dela Rosa.

Kabilang sa mga artistang nauna nang naaresto dahil sa illegal drugs ay sina Mark Anthony Fernandez, Krista Miller, Sabrina M., at Karen Bordador.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
bato dela rosa
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP Chief General Ronald "Bato" dela Rosa has submitted to Malacanang the names of 30 celebrities linked to illegal drugs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results