Thea Tolentino admits no-label relationship with Mikoy Morales

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino on relationship with Mikoy Morales: "Hindi kami nagsi-set ng kahit anong limitasyon sa kung anong puwede at hindi puwedeng gawin ng isa't isa."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin si Thea Tolentino na nagde-date sila ng kapwa niya Kapuso artist na si Mikoy Morales.

Kahit noon pa sila nali-link sa isa’t isa ay walang inaamin si Thea na kahit ano.

Pero sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat ng GMA Network kagabi, October 25, ay umamin ang Kapuso actress na si Mikoy ang constant date niya.

Una muna ay tinanong namin si Thea kung may boyfriend siya.

“Wala po,” sagot ng dalaga.

Manliligaw?

“Meron, meron!” natatawang pa-amin niya.

May nakaka-date siya?

Meron naman.”

Nang tanungin namin kung sino, dito na binanggit ni Thea ang pangalan ng Kapuso actor-singer.

“Si Mikoy.”

For a time kasi ay napabalitang hindi na sila nagkakasama ni Mikoy, pero hindi pala totoo yun.

Ngunit nilinaw ni Thea na hindi pa niya boyfriend si Mikoy.

“Hindi po.”

Exclusively dating ba sila ni Mikoy?

“Wala naman po kami napag-usapang ano.”

Pero walang ibang nanliligaw sa kanya at walang ibang nililigawan si Mikoy?

“Wala po. Pero nasa choice din naman po namin yun,” sagot ng Protege: The Big Artista Break winner.

LEVEL UP. Ang paniwala nga ng marami ay may relasyon na sila. Ano ang nakakapigil para mag-level up sila mula sa exclusively-dating status? O baka naman sila na nga?

“Hindi po,” giit ni Thea.

Paliwanag niya, “Kasi po yung career namin, siyempre kahit sobrang lahat ng tanong sinasagot na namin… siyempre career muna, pero totoo din naman kasi.

“At saka halos every year, every year may natututunan kami about sa sarili namin, sa career namin.

“Mas nagma-mature yung pag-iisip namin na parang hindi namin dapat isara lang yung sarili namin, sa relationship.

“Kailangan gawin muna namin yung ikasasaya namin sa career namin, sa personal lives namin.

“Kaya ngayon, hindi kami nagsi-set ng kahit anong limitasyon sa kung anong puwede at hindi puwedeng gawin ng isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nila inisip na kung maging sila na nga officially ay mas makatulong pa iyon sa career nilang pareho ni Mikoy?

Sagot ni Thea, “Para sa akin po kasi, pag naging... feeling ko kasi pag nagkaroon ng label, parang may… ewan ko, iba yung feeling, e.

“Parang eto kayo, na go with the flow, happy, na parang ano ka, free, yung feeling.”

May mutual understanding na sila?

“Parang ganun,” pag-amin ni Thea.

“Tapos once na nasara ka dun sa label part, parang kulong ka, parang yung feeling mo, may limitasyon talaga.”

Bakit iyon ang iniiisip nila ganung hindi pa naman nila sinusubukan?

Sagot ng dalaga, “Yun nga po, parehas din naming pinag-uusapan na, iyon nga, yung label, puwedeng makasagabal.”

Kung ganun, sila na nga, pero wala lang label?

Tumawa lamang si Thea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN