Kristoffer Martin on possible reconciliation with Joyce Ching: "Hindi naman kami nagku-close ng doors."

IMAGE Noel Orsal

Umamin si Kristoffer Martin na marami ang humadlang sa relasyon nila noon ng ka-love team na si Joyce Ching dahil mga bata pa sila noon. Ngayon daw, bagamat hindi nila naiisip ituloy ang naudlot na relasyon, kapag mangyari raw ito ay mas magiging mature na silang dalawa.


Taong 2013 pa naghiwalay sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Pero kahit break na, nananatili pa rin silang magkaibigan.

Ilang mga proyekto na rin ang kanilang pinagsamahan bilang magka-love team, katulad na lamang ng Healing Hearts at Paraiso Ko’y Ikaw, ngunit walang nangyaring reconciliation sa pagitan ng dalawa.

Ayon sa kanila, ang bago nilang proyekto na Hahamakin ang Lahat ang naging daan upang mag-mature na sila sa kanilang mga pananaw sa buhay.

Pahayag ni Kristoffer, “Kumbaga, lahat ng mga isasakripisyo ay naisakripisyo na namin nung time namin.

“Well, bata pa kasi kami noon, kaya all for love talaga, e.”

Pinagbawalan ba sila noon tungkol sa kanilang pag-iibigan?

Tugon ng Kapuso actor, “Dumating sa point, lalo na kay Tita, sa mommy niya.

“Na-challenge din ako kasi ayaw pa ni Tita, kasi bata pa siya [Joyce] noong mga panahon na yun.

“Pero ligaw lang talaga, e, yung makuha mo yung trust nung parents.”

Sa tingin ni Kristoffer, kung magkabalikan sila ni Joyce, masasabi ba niyang 'love is lovelier the second time around'?

Sagot niya, “Sabi ko nga, nung mga bata pa kami, marami talagang kailangang adjustments.

“Siguro kung mabibigyan ulit ng chance na maulit kami na magkabalikan, mas magagawa namin talaga na mas better na yung relationship namin.

“Hindi naman kami nagku-close ng doors, e.

“Lalo na ngayon because of the soap, e, kami lang palagi magkasama.

“Lalo na kapag may mga heavy scenes, nandiyan siya nakasuporta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Kristoffer sa grand presscon ng Hahamakin ang Lahat kagabi, October 25, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN