Macky Mathay posts cryptic message about his 'sunshine'

IMAGE Arwin Matias on Facebook / Macky Mathay on Instagram

Nananatiling tikom ang bibig ni Sunshine Cruz tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Macky Mathay, ngunit tila bukas naman ang kapatid ni Ara Mina sa paghahayag nito ng damdamin para sa aktres.


Mukhang hindi na talaga papipigil si Macky Mathay, half-brother ni Ara Mina, na ihayag ang kanyang damdamin para sa napapabalitang girlfriend niya ngayon na si Sunshine Cruz.

Kagabi, October 26, nag-post si Macky sa kanyang Instagram account ng larawan ng sikat ng araw o sunshine sa Ingles.

Sa caption ay naghayag siya ng pagmamahal sa isang taong di niya pinangalanan na itinuturing niyang ‘priority in my life.’

Narito ang buong mensahe ni Macky:

“I won’t ever leave you. I will be here for you again and again even if there is no again.

“I'll make us work a priority in my life. I’ll always appreciate and look back on our beginning.

“I'll make the most of our now and I'll plan and look forward to our future because we are something that I want to last for the rest of my life. #7924 #999.”


Ang post na ito ay ni-like naman ng mga anak ni Sunshine na sina Cheska at Samantha Montano.

“THANK YOU GOD.” Samantala, noong October 19 ay naoperahan sa binti si Macky.

Kaagad naman siyang nag-post ng ‘holding hands’ pic, na ayon sa mga nagkomento ay mukhang mga kamay nina Macky at Sunshine.


Sa isa pa niyang post, dalawang araw na ang nakalilipas, nabanggit ni Macky ang salitang 'sunshine' na tila pagbanggit na rin sa ‘Sunshine’ ng kanyang buhay.

Sabi ni Macky sa mensahe niya sa kanyang ina, na nagdiwang ng kaarawan: “Take two.. the black and white photo that I posted earlier was blurry.

“No, it is not Mother's Day, nor is it Valentine's Day and it is also not my mom's birthday.

“Just want to show appreciation to the woman that sacrificed a lot for me, my brother and my sister.

“May I quote you Ma? 'I love you to infinity and beyond, to moon and back!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Though I have always been a sun person and love its' Sunshine!”


Sa recent posts ni Macky ay naka-like si Sunshine.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine sa isang event, nananatiling tikom ang bibig ng aktres tungkol sa relasyon nila ni Macky.

Read: Sunshine Cruz mum about relationship with Macky Mathay


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN