Macky Mathay 'proud' of Sunshine Cruz for raising three beautiful girls

IMAGE Noel Orsal / Arwin Matias on Facebook

Proud mom si Sunshine Cruz sa pagsabak sa pagkanta ng kanyang panganay na anak na si Angelina Montano. Proud din ang napapabalitang boyfriend ng aktres na si Macky Mathay sa singing career ni Angelina.


Nitong nakaraang Martes, October 25, ay pumirma ng singing contract ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Isabelle Montano sa isang record label.

Kaagad nag-post sa Instagram ng pasasalamat si Sunshine sa naturang recording company at sa manager ng anak na si Arnold Vegafria.

Sabi ng actress-singer, “Thank you for welcoming @angelinaisabele to Universal Records Ms. Kathleen Go and thank you @arnold_vegafria for trusting my daughter... Goodluck Angelina and Congratulations. #proudmom.”

Isa sa mga nag-comment kaagad ay ang napapabalitang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay.

Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara Mina.

Mensahe ni Macky: “Congratulations @angelinaisabele and I am looking forward to hearing your first single!

“Proud of you @sunshinecruz718 because you brought up three girls, all beautiful, inside and out.”


Nagpasalamat naman si Sunshine sa napapabalitang bago niyang nobyo.


Kahapon din lang, October 26, naghayag si Macky ng damdamin sa ‘sunshine’ ng kanyang buhay.

Read: Macky Mathay posts cryptic message about his 'sunshine'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN