Pia Wurtzbach: Liza Soberano has the beauty for Miss Universe

IMAGE Mark Atienza

Pia Wurtzbach on Liza Soberano's Miss Universe beauty: "She really has the beauty for it. She doesn't even need to try! Natural."


Muling inihayag ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na may potential na sumunod sa yapak niya ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Noong Lunes, October 24, nag-post ang mentor ni Pia na si Jonas Gaffud ng larawan ni Miss Universe 2002 Oxana Federova ng Russia. Sa tingin daw ni Jonas ay kamukha ni Oxana si Liza.

Sumang-ayon naman dito si Pia at sinabing: “She really has the beauty for it. She doesn't even need to try! Natural”


Matatandaang tinanong noon si Pia ng isang follower sa Twitter kung sino sa tingin niya ang Filipina celebrity na maaaring maging katulad niya.

Pinili ng reigning Miss Universe si Liza.

Read: Pia Wurtzbach explains why Liza Soberano is Miss Universe material

LIZA SOBERANO BALL. Naging usap-usapan si Liza Soberano nitong weekend dahil sa kagandahan niya sa nakaraang Star Magic Ball.

Itinanghal pa siyang Best Dressed noong gabing iyon.

Read: A five-man glam team was behind Liza Soberano's stunning look at Star Magic Ball

Dahil naging sentro ng usapan si Liza sa Star Magic Ball, naging biruan sa social media na "Liza Soberano Ball" na ang tawag sa annual event na ito ng ABS-CBN.

Pati ang mga kapwa artista ni Liza ay nagpahayag ng papuri sa aktres sa kani-kanilang social media accounts.

Narito ang ilan sa kanila:







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN