Ariel Rivera on return to GMA Network: "Hindi ako nanibago."

IMAGE Noel Orsal

Ariel Rivera on accepting a project with GMA Network: "Akala kasi nila exclusive ako sa [Channel] 2, pero it so happened na sunud-sunod lang ang ibinibigay sa akin ng 2."


Kapuso na muli si Ariel Rivera.

Ito ay matapos ang anim na taong pamamalagi ni Ariel sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa kabila nito, wala raw naramdamang paninibago ang 50-year-old actor-singer nang magsimula siyang mag-taping ng bagong GMA afternoon series na Hahamakin Ang Lahat.

Sabi ni Ariel, “Wala, e, hindi ako nanibago.

“Even when I came here, ang sumalubong sa akin, mga friends.

“Well, hindi ko sila mga co-workers, mga friends ko sila.”

Ang totoo ay hindi raw isyu kay Ariel ang pagtanggap ng trabaho mula sa magkaribal na TV networks.

Paliwanag niya, “Well, I’ve been in this business for so long, you make friends, not just [affiliation to a] network.

“Hindi ako nakikisawsaw diyan sa network wars, e.

“I have friends there, I have friends here, buti na lang.”

Nagdesisyon daw si Ariel na magbalik-Kapuso nang i-offer sa kanya ang teleseryeng Hahamakin Ang Lahat.

“When it was presented to me, tamang-tama, kakatapos lang din ng Born For You.

“Sabi nila, ‘Puwede ka ba rito?’ Sabi ko, ‘Puwedeng-puwede.’

“Akala kasi nila exclusive ako sa [Channel] 2, pero it so happened na sunud-sunod lang ang ibinibigay sa akin ng 2.”

Patunay nito ay minsang napanood si Ariel sa isang GMA Christmas special bilang kapareha ni Regine Velasquez noong 2014.

Read: Regine Velasquez, Ariel Rivera revive onscreen teamup via Himig ng Pasko

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariel sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat, na ginanap sa GMA Network Center noong Miyerkules, October 25.

NO COMPLAINTS IN ABS-CBN PROJECTS. Dito ay nilinaw ni Ariel na hindi isyu sa kanya ang sandaling itinakbo sa ere ng kinabilangan niyang ABS-CBN primetime series na Born For You.

Matatandaang isa si Ariel sa original cast members ng Doble Kara, pero na-pull out siya sa naturang serye at inilagay sa Born For You.

Tatlong buwan lang umere ang Born For You, habang ang Dobre Kara ay mahigit isang taon nang ipinapalabas sa afternoon block ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghinayang ba siya dun?

Sagot ni Ariel, “Hindi ako nanghinayang kasi noong nag-Book 2 na at namatay na ako, the story revolved around Kara and Sara [Julia Montes] na and their kids.

“Siyempre, meron kang main bida, tapos meron kang senior bida.

“E, yung Born For You, maganda ang project. Kahit na maigsi ‘to, I’ll just accept.

“Alam ko naman na one season lang siya. Pero kahit na maigsi, maganda.

“So, mas gugustuhin ko yun kaysa sa marami ngang [appearances sa] Doble Kara, pero yung role mo was not prominent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN