Kris Aquino's sons Bimby and Josh attend birthday celebration of James Yap's Italian girlfriend

IMAGE Instagram photo of James Yap

"Thank you Kuya Josh and Kuya Bimb for celebrating Tita Mic's birthday with us," James Yap wrote on the caption of his Instagram photo with sons Bimby and MJ and Josh at the birthday celebration of his partner Michela Cazzola.


Dalawang espesyal na panauhin ang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola.

Dumating ang anak ni James kay Kris Aquino na si Bimby at ang kuya nitong si Josh Aquino sa simpleng selebrasyon ng mag-asawa, kasama ng kanilang baby na si MJ.

Sa Instagram post ni James kanina, October 27, nagpasalamat siya sa pagdalo nina Bimby at Josh sa espesyal na okasyong ito.

Aniya, “Thank you Kuya Josh and Kuya Bimb for celebrating Tita Mic's birthday with us.

Ito naman ang mensahe naman ni James para kay Michela: “Happy Birthday my love! Thank you for being a wonderful Mom, we love you”

Ayon sa post ng ina nina Bimby at Josh na si Kris Aquino, inimbitahan mismo ni Michela ang kanyang mga anak upang dumalo sa birthday celebration nito.

Ibinahagi rin ni Kris ang ilang larawan mula sa okasyon sa pamamagitan ng Instagram post niya.

Sa Instagram video naman ni Michela, nagpasalamat siya sa kanyang partner na si James, at kina Bimby at Josh, para sa pagsama sa kanya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Thank you ??? #boys ???

A video posted by Mic (@michelacazzola) on

Nito lamang weekend ay dumalaw sina Kris at Bimby sa bahay nina James at Michela upang masilayan sa unang pagkakataon ni Bimby ang bago niyang kapatid sa ama.

Read: Kris Aquino, son Bimby finally meet James Yap's son with Michela Cazzola


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN