President Rodrigo Duterte congratulates Miss International 2016 Kylie Verzosa: "Mabuhay ka!"

IMAGE @kylieverzosa on Instagram

President Rodrigo Duterte on Kylie Verzosa's Miss International win: "It gives us… konting hambog [yabang], it lifts the... parang mayabang tayo na, 'O, kita mo, magaganda ang mga Pilipina…'"


Masaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapanalo ng kababayan nating si Kylie Verzosa sa Miss International 2016, na ginanap sa Tokyo, Japan, kahapon, October 27.

Si Kylie ang pang-anim na Pilipina na nakapag-uwi ng korona mula sa Japan-based international pageant, kasunod nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), at Bea Rose Santiago (2013).

Read: Kylie Verzosa of the Philippines is Miss International 2016!

Sa pagdating ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 3-day state visit sa Japan kagabi, natanong siya ng news reporters sa isinagawang arrival presscon nito sa Davao City tungkol sa panibagong tagumpay ng Pilipinas sa larangan ng international beauty pageants.

Saad ni Pangulong Duterte, “Of course, I’m very happy.

“If our beautiful women win all the titles… kasi Filipino tayo, e.

“It gives us… konting hambog [yabang], it lifts the... parang mayabang tayo na, ‘O, kita mo, magaganda ang mga Pilipina…'”

Ngunit hindi napigilan ng pangulo na patutsadahan ang Commission on Human Rights (CHR) na mahigpit na binabatikos ang extrajudicial killings (EJK) sa bansa sanhi diumano sa maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sambit ni Duterte, “Pero yung lahat kayo diyan sa human rights commission, pangit.”

Sa huli, sinabi ng pangulo na gusto niyang makita nang personal si Kylie upang batiin.

Aniya, “I’d like to congratulate again, Miss International, mabuhay ka.

“At I’d like to meet her just to congratulate her personally.”

Bago pa man tanghalin na Miss International 2016 si Kylie, nagkita sila ni Pangulong Duterte sa meet and greet sa mga Pinoy sa Japan noong Martes, October 25, unang araw ng kanyang official visit sa naturang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN