Macky Mathay compliments Sunshine Cruz as "wonderful woman"

IMAGE Macky Mathay on Facebook / Noel Orsal

Kahit hindi pa tuwirang umamin sa kanilang relasyon, halata na sa mga salita ni Macky Mathay na mahal na mahal niya ang aktres na si Sunshine Cruz. Nagsimulang umugong ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa nang makunan sila ng larawan na magka-holding hands habang naglalakad sa Bonifacio Global City, Taguig.


Naghayag muli ng kanyang paghanga si Macky Mathay sa napapabalitang girlfriend niya ngayon na si Sunshine Cruz.

Sa Instagram post ni Sunshine tungkol sa kanyang endorsement noong Miyerkules, October 26, sinabi rito ni Macky na hindi lang daw maganda ang singer-actress kundi isang “truly wonderful woman.”

Sabi ni Macky sa comment section: “Want to say that you are beautiful, gorgeous and pretty like everyone else. @sunshinecruz718 But even if you consider all the adjectives, I personally think none of them best describe how truly wonderful you are as a woman.”


Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara Mina, na matalik na kaibigan naman ni Sunshine.

Umugong ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa nang makunan sila ng larawan na magka-holding hands habang naglalakad sa Bonifacio Global City, Taguig.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Pareho nang hiwalay sa kani-kanilang mga asawa sina Macky at Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN