Jake Cuenca irked by stories about his alleged Star Magic Ball incident

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca on stories that came about his alleged Star Magic incident: "Nakakabanas lang na pag pinaikut-ikot yung kuwento na parang may problema, e, wala naman talagang problema. It was a fun night."


Naglabas ng kanyang hinaing si Jake Cuenca kaugnay sa isyu ng diumano’y pagwawala niya dulot ng pagkalasing sa nakaraang Star Magic Ball 2016, na ginanap sa Shangri-La Makati noong Sabado, October 22.

Iginiit ng aktor na walang problema nong gabing iyon.

Itinuturo niya ang mga samu’t saring kuwento tungkol sa insidente kaya parang lumabas na nagkaroon ng isyu komosyon noong gabing iyon.

Saad ni Jake, “Yung problema kasi na concern sila, kasi ang daming write-up na lumabas na dapat wala naman talagang problemang lumabas, kasi kami-kami lang yun.

“Yun lang naman ang totoo.

“So, the first time I said it, and I’m saying it again, there was no problem.

“And it was an amazing evening, no commotion.

“Inalalayan lang ako ng handler ko at road manager ko papunta ng kuwarto.

“It might have looked like a commotion, but it wasn’t.”

Giit pa ng aktor, “Wala naman talagang problema that happened that night.

“It happened once year and everyone was having fun.”

Read: Jake Cuenca clarifies alleged encounter with Jericho Rosales at Star Magic Ball

CLEAN FUN. Itinuturo ni Jake ang social media at ang ibang lumabas na write-ups kung kaya lumaki ang isyu at parang may nangyaring insidente sa party.

Ayon kay Jake, “Meron akong nabasang tweets na inikot-ikot nila yung kuwento.

“What I said the first time doesn’t change on the second time.

“I’m saying it, that night, everyone was having fun.

“Binigyan kami ng lisensiya ng Star Magic magpakasaya bilang mga artista.

“And I had fun, at inalalayan ako ng mga handlers ko papuntang kuwarto, and there was no problem with that.

“Pero nakakabanas lang na pag pinaikut-ikot yung kuwento na parang may problema, e, wala naman talagang problema.

“It was a fun night.”

Maging ang Star Magic chairman emeritus na si Mr. Johnny Manahan ay hindi rin nag-react sa balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Jake, “Sabi nga sa akin ni Mr. M nung nagkita kami, ‘As long as you had fun, masaya na kami.’

“No problem, di ba? Yun na yun.

“Sana don’t twist it. Sana huwag nang ikutin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Jake sa premiere ng lalabas niyang pelikula, ang Mulat (Awaken), na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall kagabi, October 27.

Pinagbibidahan din ito nina Ryan Eigenmann at Loren Burgos, sa direksiyon ni Diane Ventura. Ire-release ito sa ilalim ng Solar Films.

Humingi pa ng paumanhin si Jake sa harap ng press sa maigting niyang paglilinaw sa isyu sa kanya sa Star Magic Ball.

Aniya, “Galing akong taping, sorry kung mainit ang ulo ko sa pagsagot. It’s hard to keep repeating yourself.

“Galing lang akong taping at anong oras na kami natapos. Four o’clock in the morning na kami natapos.”

HUMBLING FEELING. Sa kabilang banda, umaliwalas ang mukha ni Jake na mapadako ang usapan sa pelikula niyang Mulat. Lalo’t marami ang pumila para panoorin ang pelikula sa premiere nito.

Pahayag ng Kapamilya actor, “I’m just happy people are watching it.

“To tell the truth, like I said, we did this with such a low budget. We shot it in such a short period of time.

“It’s a humbling feeling na umikot all around the world ang movie and we won awards.

“And at the same time, masaya lang kami na nandito kayong lahat ang sinusportahan ninyo ang pelikula.”

Una raw naipalabas ang Mulat sa Amerika, at nanalo sila ng awards sa New York at sa World Cinema Festival sa Brazil.

Nanalo rin sina Jake at Direk Diane sa New York at Brazil bilang Best Actor at Best Director, respectively.

Excited si Jake na maipalabas ito commercially at humaba pa ang showing nito sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Whatever it’s getting now, ako, personally tuwang-tuwa na ako.

“I’m just happy for my director, tuluy-tuloy sana ang awards sa kanya.

“I’m happy that I’ve won an award for this.

“If a bigger company wants to distribute it, sana.. maganda ito, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN