Jake Cuenca not on speaking terms with ex-girlfriend Sarah Grace Kelley

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca on the qualities he looks for in a girlfriend: "Ako, gusto ko lang ng taong sobrang totoo. Kasi what you see is what you get din ako. Wala akong itinatago, what you see is what you get. The same thing I look for in the person that I wanna be with."


Trabaho raw ang pagtutuunan ng pansin ni Jake Cuenca ngayong papasok na ang Christmas season.

Nagsimula na kasing gumiling ang kamera para sa bagong primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan niya, kasama sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Coleen Garcia, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Wala raw sa plano niya ang maghanap ng bagong girlfriend matapos silang mag-break ng American model na si Sarah Grace Kelley.

Read: Jake Cuenca confirms split with Sarah Grace Kelley: "Ayoko na."

Sabi ng 28-year-old actor, “Wala, wala, hindi ako naghahanap ng girlfriend ngayon, believe it or not.”

Patuloy niyang paliwanag, “Kasama kasi sa bagong project… may pressure talaga.

“Kasi parang mas lumawak yung project, mas bumigat yung weight nung project. Kailangan talagang mag-focus.”

Naniniwala ba siya sa ‘third chances,’ na ang ibig sabihin ay ang posibleng pagbabalikan nila ulit ni Sarah Grace?

Tugon ng aktor, “Let’s see, right now mahirap umasa sa ganyan.

“For me, I will always hang on to the amazing memories…

“Parang instead of looking at bad ones, I look back and see good ones.

“At one point in my life, naging masayang-masayang talaga ako.

“And I’ll aspire to get that again one day.”

Puwede ba silang maging friends ni Sarah Grace?

Mabilis niyang sagot, “No. Right now, we’re not talking. Hindi kami nag-uusap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa premiere ng indie fim niyang Mulat (Awaken) nitong Huwebes ng gabi, October 27.

JAKE’S IDEAL GIRLFRIEND. Marami-rami na rin ang naging karelasyon ni Jake na mula rin sa showbiz. Ilan sa mga nabalitang ex-girlfriends niya ay sina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Lovi Poe, at Jessy Mendiola.

Ngunit ang lahat ng ito ay nauwi nga sa breakup.

May usap-usapang mahirap maging kasintahan si Jake dahil sa klase ng relasyong gusto nito.

Pero ano ba talaga ang hinahanap niya sa isang girlfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jake, “Ako, gusto ko lang ng taong sobrang totoo.

“Kasi what you see is what you get din ako.

“Tingnan naman ninyo ako kung paano ako sumasagot ng mga interviews.

“Wala akong itinatago, what you see is what you get.

“The same thing I look for in the person that I wanna be with.”

Ano ang kailangang maintindihan ng susunod na magiging girlfriend niya tungkol sa kanya?

Natatawang sagot ni Jake, “Isa akong roller-coaster ride!

“Isa akong roller-coaster ride na medyo mahirap… pero parang pag nakita mo naman yung puso ko, totoong tao ako.”

Maayos naman daw ang lagay ng puso ni Jake ngayon.

Sabi pa niya, “Moving on…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN