Derrick Monasterio sees romantic future with Bea Binene

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio on Bea Binene: "Yung ibang artista, kapag hiniwalayan, sobrang end of the world na. Siya, wala siyang pakialam na, 'Hiwalayan mo ako, maganda pa rin ako.' Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa."


Inamin ni Derrick Monasterio na noon pa man ay crush na niya si Bea Binene.

Sinubukan na nga raw niyang manligaw sa dalaga, pero hindi siya nagtagumpay at walang nangyari sa kanyang efforts.

Pero inamin ni Derrick na noong niligawan niya si Bea ay may iba pa siyang nililigawan.

Kuwento ng Kapuso young actor, “Noong makita ko siya, sabi ko, ‘Ay, ang ganda nito, crush ko 'to.’

“Pero parang siya, 'Hindi naman siya ganun kaseryoso.'

“Parang ganun, nung nililigawan ko siya, may iba pa akong nililigawan, pinopormahan.

“Kasi bata, e. Fourteen pa lang ako nun... fifteen.”

Nagkasama sina Derrick at Bea sa Kapuso youth-oriented show na Tween Hearts at sa katatapos pa lang na drama show na Hanggang Makita Kang Muli.

Muli silang magtatambal sa weekly series na TsuperHero, na magsisimula na ngayong Nobyembre.

Ngayon, ano na ba ang pagtingin niya kay Bea, lalo't humahaba na rin ang kanilang pinagsasamahan?

Ayon kay Derrick, “Iba na ang tingin ko kay Bea.

“Iba yung pagtingin ko sa kanya sa ibang love teams ko, e.

“Yung sa iba kasi, parang super-tropa, e.

“So, parang feeling ko, may chance pa in the future, parang ganun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Derrick sa presscon ng TsuperHero, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong Miyerkules, October 26.

NO PRESSURE. May pressure ba sa parte niyang maging sila ni Bea dahil sila ang magka-love team?

Sagot ng 21-year-old actor, “Wala namang pressure.

“Pero napansin ko po, bago nagsimula ang show namin, nag-iba. May nag-iba.

“Kasi dati, yung relationship namin, platonic, e.

“Pero ngayon, first time na tini-text ko siya, tini-text din niya ako na parang, 'O, ingat ka.'

“May kilig na po.

“Sabi ko, 'Ba't tini-text ko siya?' Tapos, ginu-good luck na niya ako.

“Hindi naman siya PR lang, kasi text nga yun, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang qualities ni Bea na naa-appreciate niya rito?

Sabi ni Derrick, “Qualities? Matalino po at saka matapang.

“Kaya niyang tumayo nang... kasi yung ibang artista, kapag hiniwalayan, sobrang end of the world na.

“Siya, wala siyang pakialam na, ‘Hiwalayan mo ako, maganda pa rin ako.’

“Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa.”

Gusto ba niya ang ganung tipong babae?

Sagot ng binata, “Siyempre po, independent.

“Maganda rin yun dahil strong ang character, hindi dumidepende.

“Mas maganda yung ganun kasi maba-balance, e.

“Kasi ako, strong din naman, pero alam mo yun, kailangan ko pa rin ng someone.”

DERRICK’S TYPE. Kilala si Derrick na ang type sa babae ay potential beauty queens at mga modelo. Ano ang dahilan nito?

Saad niya, “Hindi ko alam.

“Kasi naghahanap lang siguro ako ng ano... depende po 'yan. e.

“Depende sa pagmamahal. Kapag gusto mo ang tao, gusto mo. Dapat talaga may spark.

“Kasi sa lahat ng mga naging crush ko, at naging ka-MU [mutual understanding] ko, iba-iba po talaga ang hitsura, e.

“Yung ex ko [Issa Pressman], medyo morena siya.

“Naging crush ko rin sina Barbie [Forteza]… yun, maputi yun, so complete opposite.

“So, wala talaga akong… yung talagang [particular] type.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN