Miss International 2016 Kylie Verzosa happy being single with a crown

IMAGE @kylieverzosa on Instagram

Hindi raw pinangarap noon ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang magiging isang beauty queen. Saad niya, "I've always said that the greatest things I have in life are life's surprises."


Noong nag-aaral pa lamang sa Ateneo de Manila University si Kylie Verzosa ay hindi raw niya naisip na magiging Miss International siya pagdating ng araw.

Sa panayam ng TV Patrol ng ABS-CBN sa bagong hirang na Miss International 2016 kagabi, October 27, sinabi nitong, “Hindi ko po siya [naisip].

“I never think I would, pero dahil po pinaghirapan ko 'to nang todo-todo, nakuha ko po din yung pinangarap ko.”

Ang pagpasok daw niya sa patimpalak sa pagandahan ay impluwensiya ng kanyang ina na sumali rin sa Binibining Pilipinas noong 1964.

Ito rin ang pangalawang sabak niya sa Binibining Pilipinas, kung saan sa una niyang pagsali ay nasa Top 15 lamang siya.

Saad ng 24-year-old beauty queen, “My mom joined Binibining Pilipinas in 1964 and she got into the Top 15.

“And I worked as a model. And when you are in the modelling industry, you always wonder what if, what’s your next step.

“And as a model, I wanted to do more. I knew I had the voice and I wanted this to be [heard].

“And joining the pageant was a way for me to bring out what I really knew and what I really thought about.

“This was a way for me for my voice to be heard.”

SINGLE KYLIE. Kasunod na tinanong kay Kylie kung papasukin din ba niya ang showbiz pagdating ng araw.

Tugon niya, “Nakakatawa, kasi lagi pong tinatanong sa akin yun.

“Pero lagi kong sinasabi na lahat ng… everything that I have now, was a surprise.

“Hindi ko po pinangarap na maging model, hindi ko po pinangarap na maging beauty queen.

“But I became a model, I became a beauty queen, and now I’m Miss International.

“I’ve always said that the greatest things I have in life are life’s surprises.

“You just have to learn to accept and receive them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon daw, ang pangarap ni Kylie ay: “Maging masaya lang, maging successful, to be the best version of me.

“Pero may mga goals po ako, and one of my goals is to become Miss International.”

Natanong naman ni Noli de Castro, isa sa mga anchor ng TV Patrol, kung may nagpapasaya ba ng kanyang puso ngayon.

Tugon niya, “No, korona lang.”

Komento naman ni Noli, “Ang lungkot naman niyan.”

Pero bawi ni Kylie, “Hindi siya malungkot. No, of course not, a crown is only once in a lifetime.”

Wala rin daw nanliligaw sa kanya sa ngayon.

Pero nang manalo si Kylie sa Binibining Pilipinas 2016 noong April ay lumabas ang balitang may boyfriend siyang modelo na nagngangalang Laurens Tolenaars.

Read: 11 beauty queens and their beaus


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN