Marian Rivera offers condolences to Jennylyn Mercado over the death of Mommy Lydia

IMAGE Noel Orsal / @ramsdavid on Instagram / JennylynMercado.net

Marian Rivera pays a visit of condolence to Jennylyn Mercado at the wake of her adoptive mother Lydia Mercado at the Loyola Memorial Chapels in Quezon City.


Isa si Marian Rivera na nakiramay sa kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa pagpanaw ng adoptive mother nito na si Lydia Mercado.

Nitong Sabado, kinumpirma ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkamatay ni Mommy Lydia dahil sa sepsis na sanhi ng pneumonia.

Read: Jennylyn Mercado's Mommy Lydia dies at 74

Kasama ni Marian na bumisita sa burol ni Mommy Lydia sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City, ang kanyang manager na si Rams David.

Si Rams din ang nag-upload ng picture ni Marian sa Instagram nang pumunta ang Kapuso Primetime Queen nitong Linggo ng gabi, October 30, upang makiramay sa pamilya ni Jennylyn.

Ipinarating din ni Rams ang pakikiramay ng APT Entertainment sa mga naiwan ni Mommy Lydia.

Sabi ni Rams sa kanyang Instagram, “When you lose someone you love, you gain an angel you know. Rest in Peace Mommy Lydia. Our Deepest Condolences - APT Entertainment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN