Kris Aquino thanks President Duterte for sending flowers to her parents' grave

IMAGE Noel Orsal / PCCO on Facebook

Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng mga Patay, nagpadala si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bulaklak sa puntod ng yumaong sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino. Ikinatuwa naman ito ni Kris Aquino.


Kahit magkalaban sa pulitika nitong nakaraang eleksiyon, hindi nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na padalhan ng bulaklak ang puntod ng mga magulang ni former President Noynoy Aquino na sina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park, Paranaque City.

Sinuportahan noon ni Noynoy si Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party, samantalang sa ilalim naman ng PDP-Laban tumakbo si Duterte.

Sa kanyang panig naman, malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino sa ginawang ito ni Pangulong Duterte bilang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Sa kanyang Instagram, sabi ni Kris, “Maraming Salamat po Pangulong Duterte for the heartwarming gesture of sending our Dad & Mom flowers.”

Bukod kay Pangulong Duterte, pinasamalatan din ng Queen of All Media ang dating pangulo at ngayo’y alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada.

Binanggit din niya sa pangalawang pagkakataon si Pangulong Duterte sa naturang post.

Maraming Salamat po Pangulong Duterte & Mayor Erap. #Undas2016 ????????

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@kriscaquino) on

Maliban kay yumaong President Cory Aquino, pinadalhan din ng mga bulaklak ni Pangulong Duterte ang mga puntod ng mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal, at Carlos Garcia sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN