Bea Binene flattered to be considered girlfriend material by Derrick Monasterio

IMAGE Noel Orsal

Although she admits it took awhile, Bea Binene says she has fully recovered from her first heartbreak when her relationship with Jake Vargas ended. "Hindi naman ako naging bitter sa mga lalaki… alam ko naman na hindi pare-pareho ang ugali ng mga lalaki. I was able to pick up the pieces and make myself whole again," she relates.


Aware daw si Bea Binene sa pagiging very vocal ni Derrick Monasterio tungkol sa posibilidad na maging sila balang-araw.

Ikinatutuwa nga raw niya ang pagiging confident ni Derrick sa pagsabi nito sa mga reporter.

Pahayag ni Bea, “Maganda naman kasi ang chemistry namin ni Derrick.

“Ever since, noong nasa Tween Hearts pa kami, magka-vibes na kami niyan.

“Una kaming pinag-pair sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

“Okey naman ang team-up namin kaya we were given Hanggang Makita Kang Muli.

“It went well at nagkaroon na kami ng mga fans sa social media, kaya heto pinagtambal ulit kami sa Tsuperhero.”

Patuloy niya, “Si Derrick kasi yung taong kilalang-kilala mo na.

“Alam mo kung kailan siya hihirit ng biro at alam mo kung kailan siya serious.

“Nakaka-flatter kapag sinasabi niya sa marami na he thinks of me na more than a friend.

“Kahit na kaninong babae mo sabihin yun ay matutuwa pero siyempre, nagtatrabaho kami ni Derrick.

“Ayokong isipin ng marami na dahil lang ito sa Tsuperhero.

“But being close friends, okey ako doon kasi very close talaga ako kay Derrick even with his family.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa press launch ng Tsuperhero sa GMA Network Center noong October 27.

NOT NOW. Nagpahayag din si Bea na ayaw muna niyang pasukin ang makipagrelasyon.

Aniya, “It’s not that I have trust issues pero siyempre, nagiging maingat ka na rin.”

Gusto lang daw ni Bea na makasiguro sa nararamdaman niya para kay Derrick

“I know na hindi ako sasaktan ni Derrick emotionally, but like what I said, may work kasi kami.

“Ayokong ma-connect iyon sa mga nararamdaman namin ni Derrick with one another.

“Siguro much better na ganito muna kami, yung walang expectation sa isa’t isa.

“Mas okey ang trabaho namin dahil hindi kami conscious sa mga sasabihin ng ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PICKED-UP PIECES. Bagama’t inamin ni Bea na ininda niya ang unang heartbreak niya nang maghiwalay sila ni Jake Vargas, naka-move on na naman daw siya.

Sabi pa niya, wala raw koneksiyon iyon sa sitwasyon nila ni Derrick ngayon.

Kahit hindi naging maganda ang ending ng relasyon nila ni Jake, hindi raw dahilan iyon para magbago ang attitude niya sa mga lalaki.

Sabi ni Bea, “Though it took some time bago tayo naka-move on, hindi naman ako naging bitter sa mga lalaki.

“I never became a man-hater, alam ko naman na hindi pare-pareho ang ugali ng mga lalaki.

“Hindi naman fair na lahatin mo ang mga lalaki sa iisang character lang.

“So I was able to pick up the pieces and make myself whole again.

“Sabi nga ng mga friends ko, ‘Bea, lalaki lang ‘yan, hindi ‘yan ang nagpapatakbo ng buhay mo!’

“Tama naman sila, kaya heto, I am a much better person na because of what happened.”

Ayon pa kay Bea, civil naman daw sila ni Jake sa isa’t isa.

“Huli kaming nagkita noong concert nila sa Music Museum.

“Akala nga ng mga tao doon, si Jake ang pinuntahan ko.

“Inimbita kasi ako ni Derrick, kahit na late akong nakarating, at least naabutan ko pa rin sila.

“Siyempre, hindi ko naman maiwasan na makita roon si Jake dahil kasama siya sa concert.

“Binati naman namin ang isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN