Zsa Zsa Padilla hits back at netizen: "It's not bad to move on in life."

IMAGE Noel Orsal

Hindi pinalampas ni Zsa Zsa Padilla ang isang netizen na tila hinusgahan siya dahil sinabi nitong tila nakalimutan na niya ang yumaong partner na si Dolphy. Ayon sa Divine Diva, "It's alright to try to find happiness since our loved ones are happy and secure in the hands of our Lord, Jesus Christ."


Kasalukuyang nasa South Korea ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para magbakasyon.

Pinaghihinalaang kasama niya sa naturang biyahe ang nakabalikang fiance na si Architect Conrad Onglao.

#Seoulsearching with this guy ????

A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Sa isa niyang post kahapon, November 1, All Saints' Day, may isang follower ang singer-actress na nagkomentong tila nakalimutan na raw niya ang yumaong ka-partner na si Comedy King Dolphy.


Kaagad na nagpaliwanag si Zsa Zsa tungkol dito.

Aniya, kasalukuyan niyang ipinagdarasal si Mang Dolphy noong nabasa niya ang naturang komento.

Hindi rin daw masama na mag-move on mula sa kalungkutan at hindi naman ito nangangahulugang nakalimutan na niya ang mga pumanaw na mahal sa buhay.

Saad ni Zsa Zsa, “I'm inside the chapel as I read your message.

“I hope that you will not be quick to make judgements.

“Do you know that the reason I'm at the Cathedral now is to pray for him and for all the loved ones that I have lost?

“It's not bad to move on in life. Its OK, It's but natural to move on but we never forget the ones we love.

“It's alright to try to find happiness since our loved ones are happy and secure in the hands of our Lord, Jesus Christ.

“And one day, all we could wish for is to reunited with them.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN