Gladys Reyes advises shy young stars not to be intimidated by their senior peers

IMAGE Noel Orsal

Gladys Reyes to young stars: "Medyo may thin line yung nahihiya sa medyo walang respeto… bilang ate advice, huwag kayong mahiya na mag-greet. Sign yun ng pagbibigay-pugay sa mga katrabaho natin, di ba?"


Puring-puri ni Gladys Reyes ang kagandahang-asal ng ilan sa young stars sa bakuran ng GMA network.

Halimbawa na ang co-stars niya sa afternoon series na Oh, My Mama! na sina ina Inah de Belen, Jeric Gonzales, at Jake Vargas.

Saad ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Importante sa akin yung marespeto, malaking bagay sa akin yun.

“Yung kahit na first time naming nagkita… hindi naman sa pini-feel ko na, ‘O ano, senior ako sa inyo!’

“Hindi naman, pero ang laking bagay sa akin, nakaka-touch, na naa-appreciate ko 'yang mga batang kapag nakita ka…

“Alam mo, hindi naman kailangang bumeso.

“Hindi naman kailangang talagang super-nice sila kaagad, pero yung, ‘Hello po,’ ganyan.

“Hindi yung wala lang, ‘di ba?”

Naka-encounter na ba si Gladys ng mga young stars na bastos?

Tumawa muna ang aktres bago sumagot.

“Hindi naman bastos, pero siguro baka yung iba naman nauunahan ng hiya.

“Kasi medyo may thin line yung nahihiya sa medyo walang respeto.

“So, kung meron man akong advice, bilang ate advice, huwag kayong mahiya na mag-greet.

“Kasi sign yun ng… pagbibigay-pugay sa mga katrabaho natin, di ba?

“Kahit naman kami, mas nauna kami sa industriyang ito, meron kaming nakatrabahong mas bata sa amin.

“Nakakatuwa ring ia-acknowledge mo yung presence niya pag nakita mo.

“Para din mawala yung anumang hiya niya o baka natatakot kaeksena ka, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN