John Lapus not surprised by Prince Stefan's coming out

IMAGE Noel Orsal

John Lapus on closeted actors: "Hindi ako dapat magalit, dapat ko silang kaawaan. Imagine, kung sikat ka, saan ito hahada? Ako nga minsan, yung dalawang araw lang na wala akong hada, parang kating-kati na ako. Paano pa ang mga ito na kailangan pa na pumunta sa ibang bansa para doon lang makahada?"


Hindi na ikinagulat ni John ‘Sweet’ Lapus ang pagtatapat ni Prince Stefan tungkol sa kanyang sexual preference.

Co-stars sina John at Prince sa upcoming Viva Films movie na Working Beks, at hindi pa tapos ang shooting nila noon nang aminin ng StarStruck alumnus na bakla siya.

Pahayag ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Of course, hindi na ako nagulat.

“Isa siya sa mga alam ko [na aktor na bading].

“Tinanong ko lang siya, ‘Masaya ka ba?’

“Sabi niya, Sobrang happy po ako.’

“Tinanong ko siya, ‘All these years, ganyan ka?’ Sabi niya,’Opo.’

“My God, napakahirap, naawa ako!

“Iyang kilos niyang ‘yan, matsika, imagine, ilang taon niyang itinago simula nung StarStruck? Kawawa yung bata.”

Patuloy niya, “Ngayon, wa’ siya care. He’s free!

“He’s happy and he’s in love.

“Sabi ko, ito naman, kaa-out lang, inunahan pa ako, may dyowa na. Ang lola niya, wala!”

CLOSETED ACTORS. Ipinagtapat ni John na dati-rati, nagagalit siya sa mga aktor na napababalitang bakla pero hindi umaamin.

Ngayon, nauunawaan na ni John ang dilemma ng mga closeted actor.

Saad niya, “Noong araw, nagagalit ako sa mga artista na nagtatago pero alam ko naman na bakla, makati pa sa banaba.

“But then I realized, hindi ako dapat magalit, dapat ko silang kaawaan.

“Imagine, kung sikat ka, saan ito hahada?

“Ako nga minsan, yung dalawang araw lang na wala akong hada, parang kating-kati na ako.

“Paano pa ang mga ito na kailangan pa na pumunta sa ibang bansa para doon lang makahada?

“May dyowa ka, mahal na mahal mo, pero hindi kayo magkasama, nagkikita lang kayo pagdating sa bahay? Kawawa.

“So, ngayon iniintindi ko na sila.

“Tanggap na tanggap ko na kung bakit may mga artista, especially yung mga sikat na mga matinee idol, hindi sila umaamin.”

Dagdag pa ni John, “Ay naku, marami akong kilala! Hindi sila umaamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ako nga ngayon, hindi ko lang sila iniintindi.

“Ngayon, ipinagdarasal ko rin sila na sana masaya rin sila.

“Na sana kahit papaano, nakakatulog pa rin sila nang mahimbing sa gabi.

“Na kahit papaano, may isang tao naman na mahal sila o may dyowa naman sila, kahit silang dalawa lang ang nakakaalam or meron siya kahit ka-sex man lang.”

LOVELESS. Nang tanungin naman tungkol sa love life niya, negative ang sagot ni John.

“Wala pa rin, wala na. Suko na, ten years nang wala.

“Sabi ko nga, if there’s one thing common sa Working Beks character ko na si Gorgeous, yung kakatrabaho, nawalan na ako ng love life.

“Nung araw, akala ko, kapag marami akong trabaho, kusang darating yung love life, hindi pala.

“So, ganoon talaga ang buhay.”

Si John ang paboritong aktor ni Chris Martinez, ang direktor ng Working Beks.

Sinabi ni Chris sa PEP na favorite actor niya si John kaya madalas itong kasama sa kanyang mga pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN