Kim Chiu refutes claim of a Cebu daily: "Don't make up stories."

IMAGE Instagram photo of Kim Chiu

Kim Chiu defends herself from allegation that she showed an 'attitude' to a local reporter in Cebu.


Usap-usapan kahapon, November 2, ang diumano'y hindi magandang asal na ipinakita ni Kim Chiu sa isang local reporter ng Cebu.

Ayon sa artikulo ng Cebu Daily News na lumabas kahapon, isang staff umano nila ang nagpakilala kay Kim nang makita niya ang aktres sa Cebu Memorial Park.

Naroon ang aktres para dalawin ang kanyang namayapang ina.

Samantala, bilang parte ng Undas coverage ng reporter, humiling umano siya ng permiso para kuhanan ng litrato si Kim.

Ngunit tila hindi nagustuhan ng editor ng naturang reporter ang naging reaksiyon umano ni Kim dito.

Nakasulat sa artikulo, “But what followed left the CDN editor in shock.

“Chiu, who on television appears very sweet, was utterly rude; giving the editor a smirk from where she stood as Chiu’s companion whispered to her CDN’s request.

“Without as much as acknowledging the presence of the visitor, Chiu, through her aide, curtly tells CDN to 'grab her photos from IG (Instagram).'

“And as though that 'attitude' was not enough, Chiu moves closer to the editor, ignores her but nods to the person standing right beside, who must have been Chiu’s dad.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Kim tungkol sa insidenteng ito. Subalit wala pang nakukuhang sagot ang PEP mula kay Kim o sa Star Magic.

Kasalukuyang nasa Amerika ang 26-year-old Kapamilya actress.

DON'T MAKE UP STORIES.” Samantala, isang screenshot ng umano'y komento ni Kim sa insidente ang ipinadala ng isang souce sa PEP kagabi, November 2.

Ayon sa source, ito ay sagot ni Kim sa isang nag-private message sa kanya sa Twitter tungkol sa nangyari.

Taliwas sa naisulat ng Cebu Daily News, hindi lamang daw picture ang hiniling ng kanilang reporter kundi interview.

Paliwanag ni Kim, “She can just ask for a picture, it's fine with me.

“But she asked for an interview, I still have to ask permission sa manager ko, kasi all they know is I'm in my private vacation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa ng aktres, “Picture is fine. It's super ok.

“I accommodate a lot of times yesterday, so please get your facts straight.”

Sa huli, sinabi pa umano ni Kim, na tila mensahe para sa Cebu Daily News: “Don't make up stories.”

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Kim tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN