Jaclyn Jose takes another swipe at Jake Ejercito: "Wag na sana may manggugulo na nagpapanggap."

IMAGE Noel Orsal / @unoemilio on Instagram

Pinasaringan muli ni Jaclyn Jose si Jake Ejercito na diumano'y nanggaya sa kanyang pangakong ipaglalaban ang apo kahit buhay pa niya ang kapalit. Nauna na raw niya itong sinabi at muli niyang ipinangako sa anak na si Andi Eigenmann na nasa likuran lamang siya sa lahat ng laban nito.


Muli na namang pinasaringan ni Jaclyn Jose si Jake Ejercito, ama ng apo niyang si Ellie Eigenmann.

Ito ay kasunod ng pagsupalpal ng beteranang aktres kay Jake dahil sa post nito sa Instagram na kanya raw ipaglalaban ang anak sa lahat ng mga may gagawa ng masama rito.

Ayon kay Jaclyn, kahit noong hindi pa umamin si Jake na siya ang ama ni Ellie, ginampanan na niya ang mga gawaing siya dapat ang gumawa sa anak nila ni Andi Eigenmann.

Read: Jaclyn Jose reacts to Jake Ejercito's photo with Ellie: "I slayed all the dragons before you."

Nitong Martes, November 1, nagkomento si Jaclyn sa Instagram post ni Andi noong October 22:


Sinabi ni Jaclyn sa anak na poprotektahan niya ang apo ng kanyang buhay.

Ayon sa award-winning actress, “Andi, sa lahat ng laban kasama mo ako.

“Walang kukuha kay Ellie. Like what I have said na may nanggaya, I will protect Ellie with my life.

“Wag na sana may manggugulo na nagpapanggap.”


Nitong nakaraang October 3, nag-post na si Jaclyn ng mensahe ng pagmamahal para sa apo.

I will protect you with my life.

A photo posted by Jane Guck (@jaclynjose) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN