Barbie Forteza says she can't be friends with ex-boyfriend Kiko Estrada

IMAGE Noel Orsal

It's been three months, but Barbie Forteza still can't open up about why her romance with Kiko Estrada had soured. "That I like to keep to myself," she said.

 


Hindi pa rin kumportable ang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza na pag-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Kiko Estrada, tatlong buwan na ang nakalilipas.

Pahayag ni Barbie sa panayam sa kanya ng 24 Oras, “That I like to keep to myself.

“Pero feeling ko… it's better to talk about it later on.”

Maski sa naganap na story conference ng bagong teleserye ni Barbie sa GMA Annex kamakailan, hindi pa rin ito napilit na magkuwento tungkol sa nangyari sa mabilisang relasyon nila ni Kiko.

Sinabi lang niya na hindi sila mananatiling magkaibigan.

“Mahirap maging friends, e, yun lang.”

Hindi rin masagot ni Barbie kung kailan ang huling pagkikita nila ni Kiko.

Magkukuwento naman daw si Barbie kapag dumating na ang tamang panahon.

Ngayon daw ay mas gusto niyang mag-focus sa kanyang trabaho, lalo’t bukod sa Sunday PinaSaya ay may bago siyang teleserye na pagbibidahan.

Excited nga raw si Barbie sa bago niyang project dahil hindi lang isa kundi apat ang magiging leading men niya rito.

“Imagine, apat silang mag-aagawan sa akin!” sabay tawa niya.

Hindi pa raw alam ni Barbie kung sino ang mga magiging leading men niya.

Gusto raw ng aktres na masorpresa siya kaya hindi na muna siya magtatanong kung sino ang mga ito.

Ang alam lang daw niya, bagama’t apat ang lalaki na magkakagusto sa kanya sa teleserye, isa lang doon ang makakatuluyan niya sa ending.

“Kasi kahit apat sila, siyempre mayroon akong tinatawag na ka-meant to be.

“Yung tinatawag na soulmate, which, personally, naniniwala ako,” ngiti pa niya.

Aminado si Barbie na akala niya ay natagpuan na niya ang kanyang soulmate noon, pero hindi pa pala.

Masaya naman daw si Barbie na maging single muna dahil napapaligiran naman daw siya ng mga taong nagmamahal sa kanya, tulad ng pamilya at mga kaibigan.

Huling napanood si Barbie sa primetime series na That’s My Amboy, kunsaan nakasama niya sina Andre Paras at Kiko Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN