PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

IMAGE PEP Source / Mark Atienza

Aljur Abrenica's message to girlfriend Kylie Padilla: "Ang gusto ko lang naman, Kylie, makasama kang mag-grow, spiritually, emotionally, physically, sa lahat ng aspeto ng buhay. Sa lahat ng pinagdaanan, na-realize ko na masaya akong kasama ka. Anuman ang mga nangyari dati, mga bata pa tayo noon. Ngayon, I think mas nakakaintindi na tayo, handa na ako."


Dalawang taon at apat na buwan pagkatapos nilang maghiwalay, kumpirmadong nagkabalikan na sina Aljur Abrenica, 26, at Kylie Padilla, 23.

Ito ang inamin ng Kapuso actor sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng hapon, November 4, na ginanap sa newly-renovated 'New York-style loft' ni Aljur sa Quezon City.

Panimula ng aktor, kahit naghiwalay sila noon ni Kylie ay hindi nawala ang kanyang pagmamahal sa dalagang anak ni Robin Padilla.

Kaya raw nanatili siyang single sa panahong magkahiwalay sila.

Pahayag ni Aljur, na medyo may halong kilig, “Hindi naman siya [pagmamahal] nawala.

“We keep our connection together.

“Even sa dalawang taon na hindi kami nagkikita, open yung connection namin sa isa’t isa.”

Pagkatapos nilang mag-break, nagkaroon ng dalawang karelasyon si Kylie.

Isa rito ang pinsan ni Rhian Ramos na si Matt Henares; ang isa pa ay isang young actor na na-link noon sa aktres ngunit hindi nila inamin sa publiko na naging sila.

Pero hindi raw ito naging problema kay Aljur.

Sa katunayan nga raw, naging sumbungan pa rin siya ni Kylie sa mga naging problema nito sa buhay at kanyang love life.

Lahad ni Aljur, “What happened sa aming dalawa kasi, nung kami ni Kylie before, we’re full of ourselves.

“Yung sentro ng mundo ay nasa amin lang.

“And limited yung time namin, so busy, may kanya-kanya kaming trabaho.

“And pag nagkikita kami, kami lang.

“In short, hindi kami nagkaroon ng panahon para mag-grow.

“And then, exactly, mga bata pa kami nun.”

Dagdag niya, “We loved each other, pero hindi namin siya alam i-treat maturely, kung ano talaga yung essence ng isang relasyon, yung pagmamahalan.

“So, it was my decision to work it off. So, nag-break kami.

“And then, dun kami nagkaroon ng panahon para makapag-isip.

“Nung nagkahiwalay na kami after nun, we still see each other, open yung connection namin sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinukuwentuhan namin ang isa’t isa 'coz we’re best friends.”

REKINDLED LOVE LIFE. Umugong ang balitang nagkabalikan sila nang mag-post si Aljur sa Instagram nitong Lunes, October 31, ng larawan nila ni Kylie habang nagbabakasyon sa Japan.

Read: Ex-couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla together in Japan

Tanong ng PEP: Kailan nagsimula ang panibagong yugto ng kanilang love story?

Tugon ni Aljur, “Hindi namin siya napag-usapan, e.

“Yung pagmamahal, hindi naman nawala.

“It’s just that we’re young and we just want to see some things other than kaming dalawa lang.

“Recently lang, months ago...

“Continuous yung pagkikita namin, but this time, naramdaman ko sa sarili ko, bilang isang lalaki.

“I really took time na wala talaga akong naging karelasyon, na-realize ko sa sarili ko na ‘I love this girl.’

“Hindi nawala, and naramdaman ko rin sa kanya na yun yung panahon na pinaka kailangan niya ako. Dahil sa mga nangyayari sa buhay naming dalawa.”

Pag-amin pa ng Kapuso hunk, “September [2016], nagkabalikan na kami.”

Niligawan ba niya ulit si Kylie?

Ayon kay Aljur, “We don’t verbalize it, but we always do like that… never naman nawala.

“Nandun pa rin yung pagmamahal. So, hindi siya nawala.”

Walang pag-uusap na 'Sige, tayo na ulit'?

“Hindi siya ganun kaagad, e.

“Matagal din kaming nagkikita, paulit-ulit.

“Madalas kaming nagkita sa mga coffee shops, talked for hours.

“Habang nag-uusap kami, na-realize namin na love is there. It’s always there, and it’s time.

“Now is the right time para officially makapagbalikan [kami].”

Ano ang mga realization nila ngayong nag-level up na sila in terms of maturity?

Sabi ni Aljur, “Now that we’re together, we just realized how much we miss each other.”

GREAT LOVE? Hindi maiwasang natitigil minsan ang aming panayam dahil ramdam talaga kay Aljur ang kilig at inspirasyon.

Masasabi ba niyang si Kylie talaga ang kanyang 'great love'?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ng binata, “If that’s the term, yes.

“But for me, it’s beyond words, hindi ko ma-describe.

“And I’m trying my best na masabi ko… that I put into words yung naramdaman ko.”

Malaki ba ang naiambag ni Kylie sa kanyang pagkatao sa ngayon?

Sagot ni Aljur, “Masasabi kong oo.

“Pero hindi lang dahil sa kanya mismo, dala na rin ng panahon ng pag-iisa, panahon ng pagmumuni-muni, panahon na talagang pinili mong mahanap ulit yung sarili mo.

“At sa paghahanap na yun, nahanap ko ulit siya.”

Ano ang maaari niyang maipangako kay Kylie sa kanilang mala-‘love is lovelier the second time around’ love story?

Seryosong pahayag ni Aljur, “Ang pangako kasi [baka hindi mapanindigan]...

“Ang gusto ko sabihin sa kanya...

“Ang gusto ko lang naman, Kylie, makasama kang mag-grow, spiritually, emotionally, physically, sa lahat ng aspeto ng buhay.

“Sa lahat ng pinagdaanan, na-realize ko na masaya akong kasama ka.

“Anuman ang mga nangyari dati, mga bata pa tayo noon.

“Ngayon, I think mas nakakaintindi na tayo, handa na ako.

“It’s not gonna be easy.

“What I can promise is… hanggang sa tumanda kami, hindi kami tatanda.

“Tatanda lang kami physically, but by heart, hindi.'”

HOPES TO TALK TO ROBIN. Isa sa mga nagalit noon dahil sa mga naglabasang balita ng kanilang hiwalayan ay ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Naiintindihan daw ni Aljur ang naging himutok ni Robin.

Read: Robin Padilla on Kylie-Aljur breakup: “Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan.”

Sabi ng StarStruck alumnus, “Every father… is normal ‘yan.
“Normal ‘yan sa mga tatay to be always protective sa mga princesses nila.

“And I respect that kay Tito Robin.

“And nandito tayo ngayon, ginagawa yung interview, and I humble myself.

“And whatever happened before, it’s the past.

“And I'm presenting myself again, na I have to take care of his daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And whatever me and Kylie agreed, we realized how much we miss and love each other.

“Two years na tiniis ko yun. Hindi naman siya talaga nawala.

“There’s a lot of realizations, so I’m excited na mabigyan kami [ni Robin] ng pagkakataon na makapag-usap.”

(Abangan ang kasunod na bahagi ng exclusive interview ng PEP kay Aljur tungkol sa isang ex-boyfriend ni Kylie na galit na galit siya, at sa rebelasyon ni Prince Stefan tungkol sa kanilang 'jacuzzi incident' noon.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN