Gerald, Matteo, and Luis send short but sweet messages to Bea, Sarah, and Jessy

IMAGE Noel Orsal

In one episode of a game show, loverboys Gerald Anderson, Matteo Guidicelli, and Luis Manzano express their sweetness to their respective special someone. 


Nagbigay ng short but sweet messages sa telebisyon sina Gerald Anderson, Matteo Guidicelli, at Luis Manzano para sa mga espesyal na babae sa kanilang buhay, na pawang mga kilala rin sa mundo ng showbiz.

Nag-guest sina Gerald at Matteo para sa November 5 episode ng Family Feud ng ABS-CBN, kung saan host si Luis.

Nagkakamabutihan muli ngayon sina Gerald at Bea Alonzo; girlfriend ni Matteo si Sarah Geronimo; unti-unti na ring isinasapubliko nina Luis at Jessy Mendiola ang espesyal na namamagitan sa kanila.

Sa nasabing episode ng game show, tinukso ni Luis si Matteo kung ano ang mensahe niya para sa girlfriend na si Sarah.

Natatawang sagot ni Matteo: “Love you, love you.”

Tinukso pa ni Luis si Matteo na "first time" diumano ito ng Filipino-Italian actor na magsabi ng "I love you" kay Sarah sa telebisyon.

Hindi rin nakaligtas si Gerald nang kunan ng mensahe para sa idine-date niya ngayong si Bea Alonzo.

Proud na sagot ni Gerald: “Kahit magkasama tayo kanina, I miss you.”

Natukso rin si Luis ng mensahe para sa nali-link sa kanya ngayong si Jessy.

Diretsong sagot ni Luis: “Chops, mwah! See you after this.”

Nitong weekend din ay nag-post si Jessy ng picture nila ni Luis habang magkayakap.

Read: Jessy Mendiola posts hugging photo with Luis Manzano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN