Ang Probinsyano star Arjo Atayde not threatened by Encantadia?: "Sa news, PBA... doon kami natamaan."

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde says Encantadia, being in the same time slot as Ang Probinsyano, has not dented the popularity of their teleserye: "Ratings-wise naman, steady pa rin… Pero noong championship ng PBA, iyong Ginebra versus Meralco, naapektuhan kami. Bumaba kami ng four points. Kahit kami, nanonood din naman, e."


Inamin ni Arjo Atayde na alerto ang production team ng Ang Probinsyano sa mga programang posibleng makaapekto sa pinakamainit na primetime series ng ABS-CBN ngayon.

Isa na rito ang katapat nilang teleserye sa GMA Network na Encantadia.

Pero ayon kay Arjo, “I mean, no disrespect, but hindi naman siya… it’s a big show of the other network.

“Kapag may bago naman talaga, maaalerto naman talaga ang bawat show.

“Kahit naman hindi Encantadia iyan, kapag may tatapat sa iyong bagong show, maaalerto talaga, e.

“And siyempre, kapag naalerto ang production, mas lalo silang mag-iisip na lalong pagandahin yung show.

“And nakikita naman yun sa Ang Probinsyano.”

Dagdag pa niya, “Hindi naman sa ano... pero naapektuhan kami sa news.

“Grabe ang news, kasi sobra ang sama ng mga news ngayon, doon kami naapektuhan.

“Sa news, sa PBA… doon kami naapektuhan, doon kami natamaan.”

Pahabol pa niya, “Ratings-wise naman, steady pa rin…

“Pero noong championship ng PBA, iyong Ginebra versus Meralco, naapektuhan kami.

“Bumaba kami ng four points, from forty percent naging 36 percent.

“Kahit kami, nanonood din naman, e.”

Nakangiting saad pa niya, “Pero ang epekto nito ay hindi lang sa Ang Probinsyano, kundi sa lahat ng show talaga.

“Hindi lang noong PBA championship iyan, kapag may hearing sa Congress, natatamaan din kami, e.”

Ang pigurang ibinigay ni Arjo ay base sa nationwide ratings ng Kantar Media/TNS, kung saan subscriber ang ABS-CBN.

Sa kabilang banda, base sa Urban Luzon ratings ng AGB Nielsen, kung saan naman subscriber ang GMA-7, mas mataas ang rating ng Encantadia kumpara sa Ang Probinsyano.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa kanilang tahanan sa White Plains, Quezon City, kamakailan.

REALITY TV? Speaking of Congress, tila ang mga tinatahak na kuwento ng Ang Probinsyano ngayon ay tumataon sa Senate investigation sa mga anomalya sa Bureau of Corrections at sa drug-related killings sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayong laman ng balita sa bansa ang pag-resort ng drug syndicates sa kidnapping, ito rin ang tinatahak ng Ang Probinsyano sa latest episodes nito.

Hindi raw sadya ito, ayon kay Arjo.

Saad niya, “Iyong mga current news, hindi naman sa pag-aano, pero minsan ay parang nauunahan pa namin sila.

“It’s just a thought of the creative team, and nakakatuwa nga.

“All throughout the months that we’ve been doing all these cases that’s been given to us ng writers namin…

“After a month or two, may lalabas na mga ganoon, saktong bagay na nangyari.

“Obviously not a prediction, but it's more of like sa flow ng story, it's creative thinking.

“Eventually, nagkataon na nagpa-punch in talaga lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN