Chito Miranda elbows rude fan to protect pregnant wife Neri Naig

IMAGE Nice Print Photo via @chitomirandajr Instagram

Chito Miranda on encounter with rude fan at a mall yesterday, November 9: "Buntis asawa ko sabay babanggain ng lalake para lang magpa-picture sakin? Buti nga siko lang eh. Buti nga nag-sorry pa ako eh."


Humingi ng dispensa ang Parokya Ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda sa di kilalang lalaki na nakaengkuwentro nila ng misis niyang si Neri Naig sa isang mall sa Dasmarinas, Cavite, kahapon, November 9.

Sa kanyang series of Twitter posts, inamin ni Chito na siniko niya ang nabanggit na lalaki matapos nitong banggain si Neri.

Nilinaw rin ng singer na hindi siya sadyang “masungit o mayabang,” ngunit nais lamang daw niyang proteksyunan ang kanyang buntis na misis.

Pahayag ni Chito: "Sorry sa siniko ko kanina. Nabangga mo kasi asawa ko. Hindi po ako masungit o mayabang, pero mas inuuna ko talaga asawa ko higit sa lahat."

Sinagot din ni Chito ang isang netizen na nagsabing baka hindi naman daw sinasadyang maipit at mabangga ng di kilalang lalaki si Neri.

Sabi naman ng Parokya Ni Edgar vocalist, "Buntis asawa ko sabay babanggain ng lalake para lang magpa-picture sakin? Buti nga siko lang eh. Buti nga nag-sorry pa ako eh."

Samantala, sa Instagram post ni Neri noong November 5, sinabi niyang anumang oras ay handa na siyang isilang ang unang anak nila ni Chito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN