Jessy Mendiola not closing doors to being friends with Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola (left) says she is willing to greet Angel Locsin (right) if ever they cross paths. However, she is not sure if it is possible to work with Angel in an acting project. 


Hindi isinasara ni Jessy Mendiola ang kanyang pintuan sa posibilidad na maging magkaibigan sila ng kapwa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Si Angel ang ex-girlfriend ni Luis Manzano, na kasalukuyan namang nauugnay kay Jessy.

Sabi ni Jessy, “I’m not saying na talagang chummy na friends, pero, di ba, panahon lang ‘yan?

“Para sa akin talaga, kung saan siya [Angel] masaya, okey, kung saan ako masaya...

“May kanya-kanya kaming buhay, so parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa't isa para sa wala, o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.”

Tinawag pang “blooming” ni Jessy si Angel.

“Kumbaga, parang blooming naman siya ngayon, so parang, di ba, ano pang sense kung bakit kailangan pa nating i-push pa yung issue na yun?”

Iniisyu kasing mayroong hindi pagkakaunawaan sina Jessy at Angel dahil sa pareho nilang pagkakaugnay kay Luis.

Iniisyu ring inagaw diumano ni Jessy si Luis kay Angel, na tahasan namang itinanggi ni Jessy dahil hiwalay na umano sina Angel at Luis nang pumasok siya sa eksena.

Handa ba niyang batiin si Angel kung sakaling magkita sila sa loob ng ABS-CBN?

“Bakit naman hindi?” tugon ni Jessy.

Payag din kaya siyang magkasama sila ni Angel sa isang proyekto, kagaya ng pelikula?

Sagot ni Jessy, “Di ko alam kung posible. Di ko sure.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa press conference ng 8th anniversary ng Banana Sundae, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN Compound, nitong Huwebes, November 10.

LUIS MANZANO. Samantala, nagsalita rin si Jessy sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Luis matapos punahin ng ilang netizens ang grammar ng aktres sa isang interview.

Pinuna ng ilang netizens ang English statement ni Jessy na "What am I to say to that?"

Read: Luis Manzano defends Jessy Mendiola over "What am I to say to that?" remark

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Jessy, “Di ko di alam kung anong dapat maramdaman ko nun, kasi kahit siya sinasabihan ko na huwag na [pumatol].

"Pero siguro may mga bagay lang talaga minsan na hindi napipigilan kapag napipikon na. Dun na sumasagot.

"Pero di naman lagi siguro. Kung sobra lang talaga."

Aminado rin si Jessy na may mga pagkakataong napipikon siya sa mga pamba-bash sa kanya.

“Napipikon minsan, pero sa dami-dami ba naman, lagi ba akong mapipikon?

"E, di napagod ako. Sayang yung energy.

"Ibibigay ko na lang sa pagiging masaya yung energy na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN