Comedian Jobert Austria gives update on Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz relationship

IMAGE Mark Atienza (Angelica)/Jerry Uy (John Lloyd)

Comedian Jobert Austria (not in photo) on relationship status of his friends Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz: "Mas malinis ngayon ang relationship nila. Parang cool lang. Walang pressure."


Ibinunyag ng komedyanteng si Jobert Austria ang estado ngayon ng relasyon ng dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Kamakailan ay naiulat ang pagsasama nina John Lloyd at Angelica sa isang restaurant.

Dahil dito ay lumabas ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

Sa isang panayam ay itinanggi ito ni Angelica, pero inamin niyang nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan at pareho silang masaya ngayon.

Hindi naman daw alam ni Angelica kung maaari ba silang magkabalikan ni John Lloyd.

Read: Angelica Panganiban opens up about rekindled friendship with ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Samantala, sa November 6 episode ng Banana Sundae, kung saan kasama si Angelica, sinabi ng aktres na utang niya ang kanyang kaligayahan ngayon sa kaibigan at Banana Sundae co-star na si Jobert Austria.


Sinabi rin ni Angelica na handa niyang ibigay ang buhay kay Jobert.

Paliwanag ni Jobert sa friendship nila ni Angelica, “Alam ko kasi ang mga pinagdadaanan niya, e.

“Halos, palagi, madalas, maraming mga panahong nag-iisa lang yun, ako yung natatawagan niya. Ako ang laging karamay nun.

“Sabay kaming umiiyak, kasabay kong tumatawa.

“Kaya marami akong alam sa buhay nun kesa sa ibang tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jobert sa presscon para sa 8th anniversary ng Banana Sundae ngayong Huwebes, November 11.

ANGELICA, JOHN LLOYD SPEND TIME TOGETHER. Nagkataon namang si Jobert ay kasama ni John Lloyd sa weekend sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Naging malapit na kaibigan din ng komedyante ang dramatic actor.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jobert kung siya ba ang naging tulay upang muling magkaroon ng komunikasyon ang dating magkasintahan.

Tugon niya, “Hindi naman.

"E, kasi alam mo yung dalawa na yun, talagang sobrang halos parang kapatid ko na ang dalawa na yun.

"Pero nauna kong naging kaibigan si Angelica.

“Tapos nakilala ko si Lloydie, halos naging kapamilya na rin ako nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Jobert na dahil pareho siyang gustong kasama nina John Lloyd at Angelica, madalas silang nagkakasama-samang tatlo.

“So, siguro dahil pareho nila akong mahal, pag gusto akong makasama nung isa, gusto rin akong makasama nung isa.

"Nagiging magkakasama kami palagi," sabi ng komedyante.

Usisa pa ng PEP, may posibilidad bang umabot sa pagbabalikan ang magandang samahan ngayon nina Angelica at John Lloyd?

Ayon kay Jobert, “Sa ngayon, nakikita ko masaya talaga sila, pero hindi ko puwedeng masabi.

"Pero masayang-masaya sila ngayon.

“Basta masaya sila. Magkaibigan na masaya. Sobrang saya. Nagkakaintindihan.

"Mas malinis ngayon ang relationship nila. Parang cool lang. Walang pressure.”

Sa tanong kung patuloy ang komunikasyon ng dalawa, paiwas na sagot ni Jobert, "Magkaibigan sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN